Tuwing hapon lagi na lang umuulan, nagpapahiwatig na malapit na matapos ang panahon ng tag-init, ang sarap talaga pag katatapos ng ulan lalo na kapag hapon. Sariwa ang hangin, ang lamig lamig pa sa pakiramdam. Pero pag umuulan din naiisip ko ang mga pagkakamali ng tao, kanyang pagkabigo, mga kahinaan, ang pagiging marupok niya..
Bigla ko tuloy naalala mga kakatuwang (o nakaka bwisit) pangyayari nung tag-ulan
-Stranded sa Quezon Avenue dahil sira ang drainage system, ilang oras ding nagantay at tumigil ang mga sasakyan along the intersection of EDSA-Quezon Avenue.
-Stranded sa may Philcoa, walang masakyan na jeep papunta sa amin, may malakas na bagyo nun kaya brownout halos sa lahat ng area ng NCR at karatig lalawigan, imagine hatinggabi na ako nakauwi sa amin
-Nilakad namin mula Regalado Avenue sa Fairview papuntang Litex Road sa Commonwealth area dahil sa sobrang trapik at baha kaya walang nagawa mga tao at nag alay lakad.
-Hindi operational ang MRT (dahil sa lakas ng hangin at may kalakasan ang bagyo) kaya naman ang daming tao ang nagaantay at nagsisiksikang makasakay ng bus pauwi na hindi ininda kung mababasa ba sila o magkakasakit pagkatapos
Iilan lang yan sa mga naganap na hindi maganda pag umuulan, pero masaya pa rin ako dahil pagkatapos ng ulan, nanariwa ang palagid, pawang naalis ang dumi, alikabok at putik ng nakaraan at mistulang bagong Paraiso na puro luntian ang masasaksihan pagkatapos ng tagulan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Alaala ng Tag-ulan
Post a Comment