Memoirs

Natutuwa talaga ako at alam nyo na hindi pa umaabot ang technology nung panahon namin (late 80's to early 90s) nung nasa elementarya pa ako. Napapansin ko kasi ngayon eh hindi na masyado nakakapaglaro sa labas ang mga bata ngayon usually makikita mo sila ngayon nasa computer shop at naglalaro ng Kanker Strayk at DOTA. Dati rati eh lalo na pag recess time eh punta agad kami sa oval area para maglaro ng cops and robber, long jump at taguan (malaki kasi ang school namin kahit public lang.. at marami pang puno 100% rural.. sarap ng hangin!) kaya naman nung panahon na iyon wala halos nagkakasakit sa amin kasi nakakapag excercise kami thru good old games. Iba ang kasiyahang nadarama talaga nung panahon na iyon, i think its one of the happiest part of my life.. nung nag enjoy ako sa kabataan ko.. walang problema.. walang iniintindi.. ang pag-aaral eh parang laro lang sa akin (consistent 2nd honor).. sa piso lang eh marami nang mabibili.. ang paliligo tuwing tag-ulan.. taguan pag gabi.. patintero sa kalsada bago kumain nang gabi.. nakaka miss lang talaga mga ganung moments.. ngayon halos wala na akong nakikita sa labas na gumagawa ng ganito..

-got a txt mesg from my friend.. sana hindi ito totoo kasi kawawa naman ang pamilya nito..
Hello, anak? Naipadala ko na nga pala sa kartero ang P50,000 na pang matrikula mo sa iskwelahan; Ipinagbili na namin kasi yung kalabaw natin, ang mahal pala kapag automotive ang course mo, saka nga pala wana na rin tayong alagang mga baboy, naipagbili na rin namin ng tatay mo para sa sinasabi mong project, Nokie N75 ba iyon? Ang mahal naman anak ng project mo, kasama din doon yung baon mo na P7,000 para sa recollection niyo sa MOA.. San ba iyon? Siguro malaking monasteryo iyon? Ingat ka palagi!

5 Reaction(s) :: Memoirs

  1. hmm, naabutan ko din ung ganung laro sa kalsada.. isama mo ba ung kidlatan, chinese garter, tumbang preso, block 1-2-3, at iba pang larong kalye.. Nakakalungkot isipin na ang kabataan ngayon ay maagang namulat sa teknolohiya't kung kaya't hindi nila alam ang ibang larong kalye.. tsk tsk.. nasend din sakin yun 'jowk' na yan.. salbahe ung bata.. hehe.. mautak..

  2. I agree with your post so much. Kids nowadays, know more about computers than I did when I was their age.

    Simpler times...gone...

    As for the text message, sana nga hindi totoo.

  3. honga eh. swerte talaga natin kasi na enjoy talaga natin ang kabataan natin. yung mga nakasanayan na laro. talang gumagana at excercise sa katawan. unlike now kaya sakitin ang mga yan.

  4. I dont find the text message funny nor amusing.

  5. I miss those times na masaya maglaro sa labas at ang mga bata maiingay. Ngaun kasi maiingay parin naman sila un nga lang nasa loob na ng computer shop. Haayy...

    I don;t know pero bigla ako naiinis dun s txt. Kung totoo xa, magdasal na ung bata na hinde nya ako makilalal kung hinde....