Memoirs

written by the author last 2003 at the Mezzanine area of the school facing Regalado Avenue, sorry writing sucks pero totoo lahat yan..

Andito na naman ako, nakaupo at nakatingin sa harap ng bintana ng AMA-Fairview. Nakakasawa na nga eh, sa loob ng 4 na taon andito pa rin ako, andyan pa rin ang AMA. Wala na masyadong nagbago sa kaanyuan pero ang tao nagbabago, iba na ang dati kaysa ngayon. Wala na akong nararamdamang init sa mga tao ngayon, naging malamig na ang lahat, bawat isa may kanya-kanyang personal na interest. Wala na ang masasayang ngiti ng bawat isa, ang barkada, ang samahan. Nasa krisis na nga ang bansa pati ba naman ang bawat isa sa atin, dadagdag pa sa problema. Tanaw ko rito ang bulubundukin ng Rodriguez (Montalban), taga-dun ako eh. Ang daming naglalaro sa aking isip, hindi ko na alam kung anu uunahin ko. Naalala ko na namana ng nakaraan. Nang first time ko pa lang sa AMA, eh hindi ko pa masyadong kabisado ang lugar, Kaya nang mag-isa na lang ako eh medyo kinakabahan pa nga ako kasi baka maligaw ako, basta sabi nila lahat ng SM na dyip eh dadaan sa AMA. Para manigurado eh kinausap ko yung isang pamilya eh basta doon daw sabi ni tatay, sinabi na lang sa driver na ibaba daw ako dun. Andun na nga sa wakas. Nakita ko na nga, dagli akong bumaba at syempre nagpasalamat sa kanila. Medyo late na nga ako ng kaunti eh bale 2pm yung class ko, mga 2.20pm na nun. Buti na lang at wala palng ginagawa (lagi namang ganyan pag 1st and 2nd week ng class, may hang-over pa yung mga professor at students). MS Paintbrush lang pala ginagawa nila, si Sir Gags ata ang prof ayun pinatabi niya ako sa bakanteng seat malapit sa pinto. Dun ko nakilala si Raniel, siya ang una kong tinanungan ng kahit ano lahat-lahat, bout sa lesson, prof, mga MP (machine problem). Medyo nakilala ko yung iba habang nasa lab. Natapos nang maaga ang lab., medyo makulimlim, pumunta muna ako sa SM Fairview kasi wala pa akong binder nun. Nang papauwi ako, biglang umulan, wala pa naman akong dalang payong nun, kaya medyo basa ako nang makasakay sa terminal papunta sa amin.

Kinabukasan.. may pasok, maaga pa nga eh, imagined 7am, walang pinagkaiba sa 6am class namin nung high school pa lang. Akala ko ako yung pinakamaaga, si Tristan (taga Pleasant Subd. sa Bulacan, medyo goatie pero mas gwapo sa akin ahehe!) at si Raniel (tahimik, simpleng manyak at misteryoso, haha!). May upuan sa may gilid, mula noon lagi na kaming tatlo ang magkakasama at maaga. Nang magsimula na ang klase, pa unti-unti nakikilala ko sila. Si Bradley (the legendary Chowmaster!), una tahimik pa yan, pero matindi pala. Sina Nerissa at Lourdes na tahimik pero mababait. Sina Mahjalia at yung iba pa. Andaming nangyari talaga nung mga panahon na iyon. Ang babait ng mga prof. Andyan si Mam Pingol sa Filipino pero nakakalungkot lang lumipat din sya sa isang eskwelahan, si Mam Kaye sa English (broadcaster sa Ch.2 - napapanood ko kasi sya sa morning show dati), si Sir Harold sa COMFUN ang heartthrob na prof na magaling din magturo pero kagaya nila ilang semester lang umalis din sya kasama ni Sir Gags, siguro mas may magandang trabaho na kinuha nila pero kahit papano, nagpapasalamat pa rin ako at naibigay talaga nila ang dapat ibigay sa mga estudyante. Linggo may ROTC, siyempre meron pa nung mga panahon na iyon, dun ko nakilala ang iba pang ka-"barkada" sina Mark (hairy na adik sa computer games), Lester (maputi at medyo sikat sa klase nila pero isip-bata masyado at mahilig mangbara o away), Emer (arcade at PS adik) at Joseph (yung maarte at laging matampuhin). Unti-unti akong naging malapit sa kanila, sinabi ko pa nga kay Joseph, "Alam mo, masaya ako pag kasama ko kayo, hindi katulad nung andun ako sa section ko, hanggang doon na lang.."

0 Reaction(s) :: Memoirs