Kahapon nagkita-kita kami ng magkakaklase sa usual tambayan nung college - Sa SM Fairview sa tapat ng Chicken Company (naging official na nga ito ewan ko ba!) pupunta kasi kami sa haus nina Theresa sa wake ng Dad nya.. Bago kami pumunta eh syempre andyan ang galanteng si Joseph nanlibre na naman pati na rin ang pamasahe namin (reimbursed siguro ito!) medyo walang white tricycle sa area at nanaga pa ang mga mokong na driver sa kanila.. yung 4pm na usapan dahil sa kwentuhan naging 6.30pm tuloy bago kami nakapunta sa kanilang haus. Ayun pagdating sa haus nila Tere eh usap-usap muna kung anu na bali-balita.. halo halo napaguspan wala lang.. mga buhay-buhay asaran.. pag nagkikita kita talaga kami may nangyayari ngaun sina Angelo-Charlene naman ngayon sa December kaya anu na naman ang bago sa grupo..
Then by 8pm ilan sa amin eh napagpasyahan nang umuwi dahil gagabihin na kami sa paguwi at medyo liblib yung area nina Tere kaya delikado na.. Sa paguwi pagkasakay sa tricycle eh napagusapan namin ni Mark kung anu na ang nangyayari sa buhay-buhay.. ayun napagusapan namin ang buhay bum naming dalawa, "Siguro nagdadalawang isip ka kung anu ang priority mo.. yung necessity o preference mo sa work?" bigla akong napaisip sa sinabi nyang iyon.. hmm tama si Mark anu ba talaga ang priority ko sa dalawang iyon.. Pinagusapan namin yung course namin, pareho pala kaming hindi talaga ito ang gusto parang napasama lang sa bandwagon nung mga panahon na iyon (sikat ang Computer Science that time mga late 90s) Veterinary Medicine siya at Education naman ako.. "pero hanapin mo muna kung saan ang forte mo talaga, hindi mo naman malalaman unless andun kna sa point na iyon!" tama siya.. saka mo lang malalaman kung saan ka mag-eexcel unless andun kna mismo at ma-assess mo ang kakayahan mo sa field na iyon.. "napapansin ko sa iyo parang bagay sa iyo ang magturo na lang sa klase.." ayun na nga tama si Mark kasi napapansin niya siguro pag magkakasama kami eh parang nag le-lecture ako sa kanila amp! "Sa tingin ko.. wag ka muna mamili ng trabaho, pwede namang mag-ipon ka na muna then mag-aral ka or yung gusto mong gawin.. mahirap kasi pag walang work talaga.. malay mo dyan ka pala mag-eexcel sa work mo at ma-promote ka pa.." sinabi pa nya which is tama naman at iyon na nga ang binabalak ko talagang gawin ngayon.. Ang mali ko lang talaga eh dapat matagal ko nang na-plano ang gagawin ko after i graduate.. tanga -tanga ko saka ko lang naiisip ang mga ito pag huli na.. well hindi naman huli kasi pwede pa namang magbago at may ample time pa naman ako para magbago or tumahak ng new paths sa buhay.. "Malaki nga ang salary mo pero stress out ka naman.. wala ring mangyayari sa iyo.. dapat kasi balanse lahat sa buhay.. pati na ang emotional, physical and mental state.. di bale nang maliit ang sweldo basta nag-eenjoy ka naman at parang laro lang sa iyo ang trabaho.." burnout ang sinasabi nyang ito.. Marami akong natutunan kahapon mula sa payo ni Mark sa akin.. buti na lang at nagkaroon ako ng kaibigan na tulad nya. Bow!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Necessity always comes first against preference. But sometimes, people have lived with what they have preferred that they tend to forget the difference.
TL
July 31, 2007 at 3:17 AMmusta dk akala ko talaga na restrict mo na ako sa blog mo.
Jinjiruks
August 1, 2007 at 1:02 PM