Paano ko nakilala si P? Coincidence nga lang siguro sa isang yahoo groups nagkakilala kami, wala lang parang trip lang that time when i posted a message that I'm looking for a textmate (hindi naman ako desperado, katuwaan lang talaga at walang magawa!), then suddenly P texted me and uso pa Smart unlimited that time (unlike now na maaasar ka lang mag-register), ayan nagkakilanlan; as days passed, hanggang we decided na magkita na (opo, EB!). Usapan namin eh sa SM Manila at around 11 am ata nun. May class pa kasi siya ng umaga (BSIT - FEU East Asia). Ayon nag-antay ako ng 30 mins kasi traffic talaga. Hanggang nag-text siya na andun na siya. Sa matagal naming pagte-text eh hindi pa kami nagkakapalitan ng pics talaga, kaya wala kaming idea anu itsura niya at sika sa akin. Ayun nagkita na kami, wala lang. At that time, nahiya talaga ako kasi ang "cute" niya kasi (personal opinion!).
Wala lang alam mo na sa lahat ng mga naka-EB ko nung college up to that time siya lang ang cute talaga. wahaha! Ang sama ko talaga. Naglakad-lakad muna kamo at kumain sandali. Ilang beses rin akong nakatingin sa kanya nang matagal at sinasabi ko sa sarili ko "ang swerte ko naman.. Siya nba talaga ang hinahanap ko?!" Hanggang the rest is history!, hindi naman talaga kami nagtagal mga ilang weeks lang talaga. Kasi nung hiningi ko yung email at friendster account niya, nahuli kong may iba pala siyang ka-EB (ewan ko kung more than that..) habang kami that time. Ayun medyo naasar lang ako kasi bakit niya ako ginaganun. Naging faithful naman ako sa kanya sa mga panahon na iyon. Ganun talaga siguro ang buhay, siguro hindi talaga kami sa isat-isa. Umamin naman siya ng kasalanan niya at bigyan niya raw ako ng ilang araw tapos saka siya haharap ulit sa akinupang magpaliwanag.
Siguro talagang hindi kami para sa isa't-isa.. pareho pa kaming "immature" masyado at hindi pa sure sa isa't-isa. Ayun kaya kahit masakit man sa akin, pinakawalan ko na siya. Siguro nasasakal na siya masyado sa akin kaya ganun. Mas mabuti na siguro iyon para sa aming dalawa. Binura ko na iyong number niya sa cellphone ko at kinalimutan na siya. Mabuti na lang at hindi ko binigay ang lahat at nagtira ako sa sarili ko kaya ilang araw lang eh medyo ok na ako ulit. Ayun hanggang last June, nagkausap ulit kami, kinumusta ko lang siya.. nagpalitan ng number, nagkapatawaran.. Ang korni noh! Ganun siguro lang talaga iyon. Pareho pa rin kaming single pero napagusapan namin na unahin muna ang career kaysa relation. Sabi naman niya bukas pa rin naman ang pinto at darating rin ang panahon. Kung kami talaga, eh di kami. Simple lang! Pero hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Minahal at tinanggap niya kasi ako bilang ako. Ayoko munang tuldukan ang relasyon namin ito, kaya tatapusin ko siya ng tuldukuwit (;)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kaibigan wag mo sanang mamasamain ang aking katanungan.
Pano mo nalaman na kayo na? Dahil ba "cute" siya kaya mo naisip na baka siya na nga?
Nagtatanong lang...
TL
August 4, 2007 at 5:44 AM@DK
aaminin ko kasama na yung pagiging cute nya ayoko maging hypocrite na sasabihing hindi kasama iyon talaga. pero mabait talaga sya DK. iyon nga lang at bata pa kasi sya kaya ganun siguro ang iniisip nya hindi serious pero little by little nagbabago sya at nakikita ko naman iyon. Hindi pa kami naguusap ng personal ulit kaya hindi ko masusuportahan sa ngayon ang sinasabi kong ito.
Jinjiruks
August 7, 2007 at 11:04 AMkung kayo.. edi kayo na..
=D
ice
August 13, 2007 at 10:24 PM