Certified Mob
05.30 Maaga palang gising na ako para pumunta sa ABS-CBN. Nag text kasi sa akin yung 1 vs 100 (bagong show nila - as usual ula sa Endemol). Inaasahan ko na mahaba ang pila kahit mga 10am pa nila pinapapunta kami.
08.45 Sa tindi ng trapik talaga sa Commonwealth Avenue wala akong masabi, buti maaga pa, akala ko naman sa Audience Entrance ang application/registration - yun pala ay malapit sa ELJ Bldg - ayan nakapila na at nagpalista
10.30 Ayun inipon na lahat ng mga applicant sa Studio 10 ng ABS-CBN.. ang daming monobloc chair up to 1,500 seating capacity siguro. Naka-segragate ang lalaki sa babae. Ayun habang inaantay mapuno, yung host na si Master J ng ala stand-up comedian. Hindi lang siguro ako sanay sa mga hirit niya sa mga contestant na tinatawag niya sa harapan, bawal ang pikon sabi ko nga, pero napaka-vulgar talaga ng words na gamit niya pero nevertheless matured naman ang lahata kaya OK lang, tuwang tuwa naman ang lahat kasi lahat. Pagkatapos ng katuwaan, exam agad for about 6 mins lang ang time limit for a 30 item test, time pressure ika nga, wala lang general info., buti na lang at kahit papano nagamit ko ang stock knowledge ko. Naeepalan lang ako sa guy sa likod ko. Papansin masyado sana siya na lang ang kinausap para matameme siya. Pampam masyado, parang hindi pinapansin sa kanila. Ayun hanggang lumabas ang resulta - akala ko hindi na tatawagin ang pangalan ko - pang 19 siguro ako sa tinawag that time. Nagpa-finger at webcam pa para next time, wala nang dadalhin pa kundi sarili mo na lang.
13.45 Maraming tao sa Canteen nila kaya sinabi na lang sa amin na sa labas na lang kami mananghalian. Kahit papaano nakakilala ako ng mga new friends, pero mas close ako kay Michael kasi interesado ako sa course niya BS Chemistry (Chemical Engineer ang balak ko talaga pag nagka-pera ulit.. well isa sa mga options ko aside from Education, Meteorology..)
15.15 Nag-antay pa rin sa labas ng Studio 10 for supposedly 2nd screening, binigyan muna kami ng forms pero for personal info na iyon para malaman lang nila yung personality at character ng mga applicant. Then pagkapasa - "Congratulations - studio contestants na kayo.. pipili na lang kami in random kung sino ang magiging player - wait for our call for the taping schedule.." Gahol na kasi sila kaya hindi na nila magawa ang 2nd screening at marami pang applicant ang nagpapalista kahit hapon na. Antay na lang kami for the taping. Woohoo! Isang MOB na ako!
17.30 Nakauwi na ng haus, binalita kung anung nangyari - sana nga maging player at manalo ng 2 million toinks!
0100 Ayun mula 7pm ng gabi tetxmate na kami ni Mike (nagpalitan kami ng CP# bago naghiwalay ng landas..).. excited lang siguro kami pasi pareho lang "first time" na sumali sa ganitong show. Kwento lang sa buhay-buhay, hobbies, interest at kung anu-anu pang kalokohan. Hindi pa ako antok mamaya na siguro. Honga pala para sa kaalaman ng lahat sinusulat ko muna sa papel yung mga blog entry ko para ma-edit ko muna siya kahit papano.. Sige iyon lamang po ang laman ng aking kwento. Good luck na lang sa akin at Pray for Me na maging studio player, pwede na ring MOB kasi paghahatian namin pag natalo ang Player.. wahaha!
by
Jinjiruks
August 22, 2007
12:11 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Haha.Auz ah.2ruan mu dn ako gmwa ng blog.Myk 2,1 vs 100.Asar dko mabura s pgligo ung tatak ng ink.Hehe.Ngat boi.
keL
August 22, 2007 at 1:42 PMwoi goodluck...
he he
paano ka tinext non? gusto ko rin kasi sumali sa mga ganyan..
nga pala ni link na kita....
;)
Anonymous
August 22, 2007 at 6:40 PMGoodluck...sana manalo k..=) Beth
Anonymous
August 22, 2007 at 11:04 PMWahahaha!!! Magaling magaling magaling! Magtxt ng magtxt ng makilala maiigi si Mike ;p
Pwede ba sumama? Manunuod ako pag maglalaro ka na. Hehehe fan mo ko at may dalang malaking idiot board! Nyahahah!!!
TL
August 23, 2007 at 4:57 AM@kel
sabihin mo lang kailan ka online para maturuan kita ng alam ko kung meron man. wahaha!
@rich
oi mag text ka lang mob name/age/gender/address/landline send mo sa 231 (smart) 2366 sa other network ata
@beth
thanks beth, kinakabhan na nga ako
@tito DK
kaw talaga.. kukurutin ko na yang ilong mo.. wala pa ngang taping sched lol. batuhin ka namin ni edu ng cd dyan. haha!
Jinjiruks
August 23, 2007 at 10:46 AMcongrats! i hope you win BIG! balato. /gg
Ronnie
August 23, 2007 at 10:50 AM@Ymir
waa.. maraming matatalino ayoko umasa!
Jinjiruks
August 23, 2007 at 11:23 AM