Rainy Metropolis

Kahapon kahit kalakasan ng ulan at may bagyo ay nagtungo pa rin ako sa Alabang Metropolis (ang mahal ng pamasahe talaga - kasi North-South talaga ang layo namin mga Php150+ papunta-pabalik na iyon) para lang mag-apply sa isang recruitment hub sa lugar na iyon. I thought 7am nagbubukas yung mall kasi sabi ng kapatid ko iyon pala ay 10am rin, buti na lang at mga 9.45am na ako nakarating dahil sa perennial traffic problems na lang palagi. Pagdating ko sa area, sasabihin sa akin mga 1.30pm pa raw sila tatanggap ng applicants. Naasar lang ako kasi ano naman ang gagawin ko sa mall na iyon na mag-isa lang, mukha lang akong tanga doon na palakad-lakad. Naaawa lang talaga ako sa kalagayan ng mall ngayon, butas ang bubong at hindi napapaayos ata, puro timba na pang-salo ng tubig-ulan ang makikita mo sa paligid. Poor maintenance talaga at napabayaan na iyong lugar. Tanghaling tapat may mga kolboy sa paligid. Lilingap-lingap sa paligid, nakikita ko sila nakikipag-transact sa customer. First kong pumunta rito pero ito na agad ang bumulaga sa akin. Siguro iintindihin ko na lang kasi "in progress" pa naman ang South area ng Metro Manila. Nung 1.30pm na ayon nakapag-apply na ako, nag-exam; akala ko nga hindi na ako nakapasa kasi hindi ako tinawag; buti na lang at hindi pa ako umalis that time. Tinawag ako ng kasabay ko na nabanggit raw ang pangalan ko, ayun Ok naman sa exam at interview. Antay na lang sa tawag, mga 6.15pm na ako nakalabas ng mall (ang tagal kasi ng interview at exam). Bumili pa akong payong kasi sobrang lakas ng ulan talaga (nasira pa anbg lumang payong na dala ko!). Nag-text sa akin kapatid ko sabi niya mag-MRT na raw ako kasi hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa EDSA kasi baha masyado. Nakauwi na nga ako ng 9.30pm. Sobrang wasted at pagod na pagod kaya pagkapahinga at ligo, natulog na agad ako.

P.S.
Pasensiya na sa mga nag-tetx sa akin at hindi na ako nakapag-reply sa inyo. Dan thanks ulit, your so nice talaga! Salamat sa mga nagbabasa at komento sa aking humble blog at pinagtyatyagaan niyong basahin! Thanks again for the support sa mga fans ko worldwide.. wahaha!

0 Reaction(s) :: Rainy Metropolis