Senti

Jin,

Kumusta na? Ilang taon na ang lumipas wala pa ring nangyayari sa buhay mo. Anu ba talaga ang gusto mo sa buhay? Anu bang mga goals at priority mo sa buhay? Ikaw kasi pinagsasabay mo ang lahat kaya't nahihirapan ka ngayon. Hinay-hinay lang, kaya ka napapanot niyan kakaisip sa mga problemang nasa isip mo lang at hindi pa dumadating. Sa loob ng 25 taon, saksi ako sa paglaki at pagbabago mo, mga karanasang masaya at malungkot. Alam ko rin ang mga tinatago mong hinanakit sa buhay, mga bagay na hindi mo masabi.. dahil sa natatakot ka sa reaksyon ng iba o sa maaring mangyari. Kung patuloy kang mamumuhay sa nakaraan, talagang hindi ka makakausad niyan. Lahat naman tayo may takot o pagdadalawang-isip sa pagbabago pero wala naman tayong magagawa doon, kailangan nating makibagay o sumunod kundi walang mangyayari sa atin.

Kaya mo yan! Wala namang ibibigay sa iyo na hindi mo malalampasan. Trust yourself! Alam kong nagse-senti ka na naman pag ganitong tag-ulan, malayo na naman ang tingin. Nagpapantasya sa isang mundong payapa at simple lang, kung saan yung mga ninanais mo sa buhay at matutupad, pero alam mo namang kathang-isip lang iyan at hindi mangyayari, pero alam ko iyon naman ang nagbibigay inspirasyon sa iyo para magpatuloy sa buhay. Kung alam lang nila, may mga gabing napapaiyak ka na lang sa mga kadahilanang ayaw mo nang ipahatid sa iba. Ikaw rin naman ang nahihirapan niyan sa ginagawa mo. Mahahanap mo rin ang nakalaas para sa iyo. Kusa na lang darating sa iyo at huwag mo nang hanapin. Alam kong malakas ka at hindi padadaig sa ibang humahamak sa iyo. Pagsubok lang iyan, tinitiyak ko sa mga darating na araw, makikita ko na rin ang tunay mong ngiti at kaligayahan na inaasam-asam mo.

Marshall

4 Reaction(s) :: Senti

  1. good things come to those wait. ;)

  2. naku buhay nga naman. Ingat diyan.

  3. God is our refuge and strength, an ever-present help in trouble. Therefore we will not fear, though the earth give way and the mountains fall into the heart of the sea, though its waters roar and foam and the mountains quake with their surging. (Psalm 46:1-3)

    If any of you is lacking in wisdom, ask God, who gives to all generously and ungrudgingly, and it will be given you. But ask in faith, never doubting, for the one who doubts is like a wave of the sea, driven and tossed by the wind. (James 1:5-6)

    5 Trust in the LORD with all your heart and lean not on your own understanding; 6 in all your ways submit to him, and he will make your paths straight.
    (Proverbs 3:5-6 )


    sy

  4. @ironnie
    yup, pero hindi naman ako ang naiinip mga taong nasa paligid ko

    @gwapasila
    yun na nga tita gwapa, musta naman po kayo?

    @lala
    thanks for the inspirational messages from the Bible.. nakaka motivate tp uplift the spirit.