to all,
Pasensya na sa inyo at medyo hindi ako nakakapag-update sa blog. Start na kasi ng training ko sa bagong work at medyo alanganin pa nang kaunti kasi 12nn-9pm ang sked. Non-voice namana ng job pero ewan ko bakit kailangan namin mag exam for FCC (Federal Communications Commission) /FTC (Federal Trade Commission) "Sales Rules" & TCPA (Telephone Consumer Protection Act) things na yan.. masyado silang strict sa pag clock-in ng mga daily activities, laging pinapaalala.. every minute counts.. Well ayun so far marami nang kakilala na co-trainees, meron pa nga as far as Cavite pa ngayon - up to Marikina magastos kaya (Php 150 raw) kung tutuusin. Kahaon medyo nagulo lang ang sked namin nang bigla na lang pinalipat ng account at pinauwi nang maaga. Medyo naiinis lang at nalito kami, kasi lama mo na bigla kaming iniwan ng trainer namin not knowing kung anung reason behind that. I mean iyon ang binigay na job offer at nakapasa kami sa mga exams na binigay nila then all of a sudden malilipat kami bigla w/o a concrete/solid reason. It's kinda unfair lang kasi, bakit ganun ang ginagawa nila sa amin. May speculation tuloy na "over-hire" ang positions na iyon at nag "random selection" ang ginawa nila kung sino ang mag-stay sa position na iyon. Nag-antay kami sa lobby at hindi tlaga umalis hanggat hindi namin nalilinaw anu ba talaga ang reason behind that. Sinabi lang sa amin hindi nila mahagilap at nakauwi na raw yung sa training dept., at mag-antay raw sa call nila up to noon this Friday at pag wala tawagan na raw namin kung kailan yung "re-training" namin sa lilipatang account. Sana nga magkaroon na ng linaw itong paglipat naming ito. Kahapon nga pala nag-text na sa akin yung studio coordinator ng 1 vs 100 at this Saturday raw ng hapon ang taping.. wish me luck na sana maka-kubra kahit papano ng pera.. huhu! Hindi ko talaga alam kung anung strategy ang gagawin kasi puro namang common sense (na hindi common sa lahat..) ang mga questions nila kaya aasahan ko na lang ang stock knowledge ko talaga.. para maging "unbeatable's"..
Jinjiruks
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
goodluck with the training.. galingan hehehe
dorkzter
September 7, 2007 at 10:00 PMGood luck with your new endeavor.
Don't worry about the blogworld or abotu a new post. We will be here when you're ready :)
TL
September 8, 2007 at 3:58 AM@dork
salamat po
@tito TL
honga eh.. pero kailangan ayusin muna mga issues namin sa company talaga
Jinjiruks
September 9, 2007 at 11:47 AM