Teh Taping continues...


Nagpaalam na ako sa trainer ko para sa taping sa Sept.19 sa 1vs100, akala ko nga sa Saturday (Sept.22) pa yun pero may gagawin raw si Edu sa Sabado kaya napaaga. Maaga na akong umalis mga 10.30am para maagang makapunta, kahit kalakasan ng ulan sumugod pa rin ako sa ABS. Pagdating run ng mga 11.45am marami nang nag-aantay, kasama na ang nasa 2pm call time. As usual Pinoy time, mga past 2pm na rin kami pinapasok at antay sa Studio 4. Hanggang up to 3.45pm pinapunta na kami sa Studio at mga 5.45pm na nakapagsimula dahil sa technical problems. Buti nalang may practice questions pero still ang hirap pa rin kasi about sa 50's na movies at sa shawarma na iyan. Ayun formal na game na at nasa 2nd question na at almost 1/5 natanggal ulit sa mob. Pagdating sa 4th at 5th eh walang nagkamali at 1st time lang iyon na magkasing-wavelength ayun kay Edu, mga 80k palang ang naipon niya. Pagdating sa 6th qustion dito na nagkatalo kung sino ba talaga ang tama. Ang tanong eh kung saang bansa unang naimbento ang kotse na may karaoke machine, choices were Japan, China and South Korea. Majority answered the obvious Japan while others including me picked either China or South Korea, talagang suspense pa talaga. Habang inaantay ang sagot eh nag-goodbye na talaga kami sa isa't-isa kasi iba-iba ang sagot namin. Hanggang i-reveal na ang sagot.. China!

MALI ANG SAGOT KO!!

at dahil majority sa Japan marami talaga ang natanggal including "the One", 57 ang natanggal at pinaghatian ng 7 natitirang mobs ang pot money. Pampalubag-loob ata yung meal stub na binigay nila (sana transportation allowance na lang). Well hindi mawawala sa akin ang panghihinayang talaga since 1st time kong sumali sa ganitong show at masakit talagang matalo. Kailangan ko pa naman ng pera talaga ngayon. Hanggang sa pag-uwi sa amin eh lumilipad pa rin ang isip ko at hindi talaga makalimutan ang nangyayari. Buti na lang andyan si by para i-comfort niya ako sa ganitong time. Kahit papaano naibsan na at sinabi ko sa sarili ko na susubukan ko ulit hanggang sa manalo talaga ako kahit pa sa ibang gameshow. Kahit papano nag-enjoy naman ako sa show and I'm happy for the unbeatables, pati yung iba ata sa kanila nakaabot sa next taping. Ayun lang salamat sa pakikinig sa kwento kong pang-Pangarap kong Jackpot!

0 Reaction(s) :: Teh Taping continues...