Teh Taping
Kahapon mga 11.30am na ako nakarating sa ABS-CBN, kala ko nga na-late na ako kasi yung kakilala ko mga bandang 11am nag-text at puno na raw ang unahan, ang akala ko naman that time ay nasa Studio na sila at malapit nang magsimula, ayun pala nasa registration area lang sila at nag-aantay. Kasalukuyang nagsisimula pa lang yung Game 1 that time (Game 2 raw ang batch namin!). Mga bandang 1.45pm pinapunta na kami sa Studio 4 (Kapamilya! Deal or No Deal taping area), akala ko pa naman malaki talaga kagaya nang nakikita ko sa TV, iyon pala ay maliit lang talaga yung set ng show na iyon at mga 1/3 lang ng size ng Studio 10, ayun habang nag-aantay nood lang ng movies, pumirma na naman ng waiver ulit, gettin acquainted with my co-mobs. At around 5pm (wow! ang tagal talaga!), nagtawag na sila ng name at papasok na sa next game (may 24 unbeatables + PBB Season 2 all star cast + other celebs), mga 24 ding mobs ang tinawag at pinapunta pero pinabalik rin, nabitin nga ata sila. Nag "random selection" ulit pero hindi kami lahat natawag, mga 16 lang kaming natira - parang napapa-isip kami na "ah baka next taping na siguro kasi sinabihan na yung mga Game 3 mobs na tatawagan na lang sila ulit. At 7.15pm matapos kumain ng hapunan (salamat sa Meal Stub, wala pa kaming kain mula 11am!) natapos na ang Game 2 at marami raw ang natanggal dahil sa "toothpick" wahaha! Pinapila na kami at surprisingly ako ang unang tinawag at pang #90 mob ako, studio player ang "the One" (pero alam kong pag ganitong mga tipo, mga 100k palang eh kukunin na niya ang pot money kaya mahirap kumbinsihin!), kung sa Studio 4 palang ay namamanhid na ang kamay ko sa sobrang lamig.. lalo na sa Studio 2 (1 vs 100 taping area), kasinglaki rin ng Studio 4 siya at mataas talaga ang mga stairs paakyat sa likod. Ang tangkad pala talaga ni Chairman, kasama sa mga mobs yung band ng Cueshe, mga FM disk jocks (kagaya nina Chris at Nichole ng Love FM) at yung isang Ph.D prof. Nabitin naman kami kay Edu, naka isang tanong lang kami at na-cut na ang show. Kasi it's about 9pm na at may gagamit pa ata sa Studio na iyon. Initially 4 mobs agad ang nawala dahil sa "smiley" question na iyan. Sa Sept. 22 pa kami pinapabalik. Ayun dun natapos ang masayang araw namin, sa totoo lang Ok rin pala sumali sa mga ganitong game show, marami akong nakikilalang tao from all walks of life. Sana nga ma-text rin ako sa Game Ka na Ba? naman.
by
Jinjiruks
September 9, 2007
12:09 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Teh Taping
Post a Comment