Usap
Medyo umaambon nang nakarating ako sa office, buti at hindi naman late kahit papano. Ayun balak ko sana talaga after work eh punta sa Megamall para punta sa PLDT para mag apply for wireless landline, pero hindi natuloy kasi nagamit ko ang pera sa pagkain (hehe! sensya na!), eh wala pang sweldo ngayon at antay ko pa kaya ayun baka bukas na lang kapag nagkaroon na sa ATM.
Kasi ba naman yung kapatid ko eh ilang araw nang pinapabalik sa isang branch sa PLDT pero wala pa yung unit talaga, kaasar nga eh. Blacklisted pa naman ako ng PLDT kaya nagdadalawang isip ako kung tutuloy ko pa o yung kapatid ko na lang nag mag-aaply talaga, sayang kasi ang promo eh Php 1,500 lang na initial eh may unit ka na at activated within a day lang.
Kaya ayun since libre at walang tao sa Internet area eh gumamit na lang ako, wala lang usual suff na ginagawa ko, kwentuhan with my officemates, pinaguusapan mga nangyari kay ganito, kay ganyan sa shift nila, pati na rin yung Christmas Party sa Dec.2 sa Pasay kung san magkikita at anu susuutin. Halos namula na ako kakatawa sa kwento ni Natalia (opismeyt) tungkol sa "kanton" activity ng boyfriend niya, talaga straightforward syang magsalita sa bagay na iyon at kung anu ginagawa nila.
Hehe! Kakagulat kasi hindi ko akalain na may ganung side pala ang masungit at striktang babae na iyon. Wala lang natutuwa lang ako at nakapag open siya sa amin at wala lang sa kanya yugn mga bagay na iyon at hindi namemersonal. Sana nga lahat ng tao ganyan, naasar lang kasi sa iba, alam mo na kaunting salita mo lang may reaction at ibang meaning na sa kanila, na mas mabuti pa talagang manahimik na lang at tumango na lang sa sasabihin. Kasi ganun naman talaga, kung wala ka namang magagandang sasabihin eh mas makabubuting tumahimik ka na lang!
Honga pala maiba tayo eh hindi ko pa alam kung kailan kami magkikita ng baby ko, mga next week pa ata ang showing ng Golden Compass - baka that time eh wala na akong pera. Nakakahiya kasi sa kanya last time sya nagbayad sa sine kaya siguro ako naman dapat ngayon. Hmm.. kelangan makapag-isip ng bagong paglalambing sa kanya kaso wala talaga akong maisip sa ngayon kasi hindi ko pa masyadong alam ang mga hilig niya, ayoko naman tanungin kasi baka ma pre-empt lang yugn gagawin ko. Bahala na!
He Says
-Mahirap Isiping Bata na ako, Jaypee, NoteBook ni Jaypee
manong drayber
Ayun si manong ang daldal talaga, nagsimula kasi sa tanong kung dadaan ba sya sa way na sinabi ko sabi nya kahit Aurora o Tuazon pa yan dadaan pa rin iyon, hanggang sa mag kwento na sya dun sa mayamang hapon na inarkila ata yung fx niya pauwi sa Tacloban, halos 2.5k ang renta sa kanya everyday sa loob ng 2 weeks na bakasyon nila run.
Sabi rin niya yung mga isda run eh sobra sa mura at pagdating sa Maynila eh ubod nang mahal na, kwento rin niya sa prankisa ng fx na mabuti eh hindi siya napasa sa GT (garage to terminal) type kung san eh walang choice talaga yung operator kundi sa route lang talaga nila. Ayun mga ganun lang napagusapan namin hanggang sa bumaba na ako sa work. Aba pampatanggal antok rin iyon habang nag drive si Manong.
Akala ko pa naman eh nag dorm na iyong baby ko kagabi iyon pala eh sa Friday pa ata siya lilipat run, trying to familiarize pa siguro yung lugar at workplace para makapg adjust siguro siya sa environment. Masaya naman ako at malapit na rin niyang matulungan ang kanyang family niyan at makapagpadala na ng pera sa magulang niya sa probinsya. Malapit na rin ang 3rd month namin.
Lindol
Grabeh yung lindol kanina, naramdaman talaga namin siya kaninang 12.15nn lang kanina akala ko nga eh susundan pa ng aftershocks, eh nasa Marikina fault line pa naman kami kaya delikado talaga ang area na iyon, buti na lang at wala rito ang epicenter kundi baka kung anu na ang nangyari kanina!
Random
Hanapin ang Piso..
May nakita kang tshirt sa sm worth 97php...wala kang pera..humiram ka sa mom mo ng 50php at sa dad mo na 50php din..so me 100php ka na.. binili mo ung shirt me sukli ka pang 3php..binalik mo sa mom mo ung piso so may utang ka pang 49php..binalik mo sa dad mo ung isa pang piso so may utang ka pang 49..ung isang piso na natitira sa iyo un ang panggulo...49+49=98plus ung piso na nasa sa iyo now..so 99 pesos lahat..
so bakit 99 pesos lang?di ba 100 pesos lahat dapat?nasaan na ung piso?
Sagot ng Karamihan..
1)Bat naman idadagdag mo yung piso? mali yung formula...di mo talaga mahahanap yun...so 98 yung kulang mo minus yung piso so 97...yun yung pinambayad mo sa t shirt!
2)97 / 2 = 48.50 "Hindi mo dapat ibalik ang piso sa kahit sino sa parents mo, kasi unfair na un, " ang nangyari kasi, 48 php ang nautang mo ky mom mo, then 49 php ky dad mo or vice versa, so dapat, hindi lang piso ang ibalik mo kay mom mo... so 48+2=50 and 49+1=50 50+50=100!!! oh diba ang saya?! bakit kapa uutang ng 100 kung 97 lang pala ang bibilhin mo? at saka,hindi mo puwedeng pambayad ang inutang mo!
Path
Sa ngayon eh inaantay ko pa rin ang tawag ng employer from Saudi, iniisip ko kasi kahit pa ganun ang salary mo rito sa Pinas eh wala talaga mangyayari sa iyo, pero pag abroad eh since libre halos lahat eh talagang makakapagipon ka kung matipid ka. Sinabi ni Mama wag na raw ako lumipat at antayin na lang raw yung sa abroad. Iyon lang naman talagang undecided pa ako sa part na ito.
Kahapon eh nag text sa akin ka officemate ko na nagbago na naman ang shift ko from 5-2 eh naging 4-1 na raw, nagulat ako kasi maaga na nga ang 4am na aalis eh anu pa kaya kung 3am, walang masasakyan sa aming area dahil alanganing oras talaga at hindi naman sila responsible kung anu manyari sa akin. Kaya nga mamayang hapon eh tatawag ako sa Bisor namin at aapila na kung maaari eh lipat ng shift, ok lang sa akin ang shift ang sasakyan lang talaga yung possible next shift na lang sana kung malilipat sa 6-3 sana eh maging Ok naman sa kanya ang suggestion at request ko.
Random
-Elyas, Mga Lihim ni Hudas
Lakos
Ako naman kasi pagbibiro ko sa kanya eh green lang talaga at walang below the belt, sana nga hindi magalit si Joy sa akin, si Garry humirit pa kahapon Princess Sarah raw na isinumpa hehe. Wala lang, lahat halos kinabagan sa mga patawa bago matapos ang shift nila. Kung wala siguro mga ganung tao gaya ni Joy, ang seryoso at tahimik ng opis, buti na lang andyan siya lagi para magpatawa at walang tigil na hagikhikan. Sa totoo lang hirap talaga ako patawanin at suplado lagi tingin nila pero may mga tao talaga na napapatawa ka sa di sinasadyang pagkakataon. Hehe!
Regarding sa PC naman eh hindi na tumuloy si Joel sa pagbili nun kasi halos latak na lang talaga ang natira at wala nang matino sabi niya eh kaya raw niya ako i assemble ng PC for 6k lang raw, pagipunan ko pa siguro iyon. Pero ewan ko maabutan ko pa ba mga iyon since desidido na ako mag abroad talaga at nagaantay na lang ng tawag.
Nalulungkot rin ako ngayon kasi parang hindi ko maramdaman yung concern sa akin ng baby ko, hindi man lang mag text kung san na siya or kung anu ginagawa niya kagaya ng ginagawa ko sa kanya, siguro busy lang siguro siya ngayon sa paghahanda sa work niya. Mukhang nawalan na siya ng time sa akin, anu na kaya mangyayari sa amin or paranoid lang talaga ako.
Teh Word
Bahala Na
Next week aalis na ang kasama ko for abroad sa KSA, baka raw next month pa ang dating ng employer kaya antay-antay muna ako dito, sana nga eh tumawag sila after Pasko kasi mami-miss ko talaga mga mahal ko sa buhay pag pinalad ako just in case. Wala naman akong magagawa bulok kasi ang gobyerno at sarili lang nila iniisip niya kaya napipilitan mga kababayan natin na mangibang-bansa for better pay.
Sa Dec.2 na nga pala ang company early Christmas Party, all white ang motif - parang patay noh, naka all white pa talaga, yung upper garment lang siguro. Hindi ko pa alam kung makakapunta ako kasi malayo talaga, sana nga lang may sasakyan. Kuripot talaga ako eh, nasasayangan ako sa piso pag hindi tama ang pag-gastos. Dito lang kami makakabawi sa pagka-kuripot rin nila sa amin. Ah basta bahala na. Regarding sa work nga pala <500 pts na lang eh makaka-quota na talaga ako, pero bahala na rin kung anu mangyari talaga sa akin dun. Siyanga pala.. nakita ko an naman mga crush ko sa floor, hay pag tumitingin ako sa kanya napapa-smile lang ako. Sana araw-araw lagi siyang lumapit sa area namin para masulyapan ko siya.
Uso talaga ang pag private ng mga blogs. Naiinis lang ako minsan kasi dba ang blogging dapat ay free to view, para kasing nalilimitahan pag restricted access, well alam ko naman ang reason nila kaya Ok na rin siguro basta pa-invite na lang ah. Lol!
Random
BATTLE: imamahid ta tinapay
CHEW: nabibili ta ET.EM. chewmart
LECHON: madalat matutunan pag nagtatamali ang itang perton
MATTER: atawa ni pater
THIRTY: tanta ni clitina adilera (wana det thirty!)
MOUTH: mortal na kaaway ng tat (meow)
Dictator
I hear the higher-ups of ******** (Worst.Employer.Ever) have decided to block several social networking sites. Now, I'll be the first to admit that this isn't at all uncommon as a practice, particularly in call centers. However, that's because of the nature of the work. In the case of the good people I left behind at my former workplace, social networking sites like Friendster, Bloggger, and Multiply are their only lifeline out of the ******** pit of filth.
At least, they were when I was working there. Don't those two (**** "Hitler" **** and **** "Stalin" ****) realize that they're killing the already low morale of their writers?Of course not! They're idiot! They wouldn't recognize the truth even if it hit them right in the face with a left hook! Seriously. The last time I saw people that dense was watching that atrocious abomination of a show called Pokemon.I realize I'm still ranting about a company I used to work for and that it has been a long time since I was last there, but still. That place gave me the writer's equivalent of an anal violation for each and every day I was there.
That place drained my mind dry of a lot of creative and literary potential with the excessively, obscenely high quota and the atrociously low pay. I realize my own stupidity for actually staying there, but there has to be a certain point when you're not the only one to blame.I'll freely admit that I've complained about my previous employers before. e-PLDT, Ambergris, EduNara, and even TeleTech got their fair share of whining real estate on this blog. I'll also freely admit that every place I've ever worked in, no matter how short, I've learned something. Even from the infamously badly managed ********, I learned a thing or two.
However, there is something that makes ******** infamous, something that makes the management style of **** and **** stand out as the worst single office I've ever had the displeasure of being in. You see, unlike my previous companies, ******** shares a trait with the city of Makati when I think about it.
Like Makati, I hate ********.
Reaksyon ko, wala naman tama naman kasi siya kagaya rin ng ibang company, overwork/underpaid thing na iyan. Hindi naman iyon maiiwasan talaga lalo na't papasimula pa lang ang company pero hindi ko ipinagtatanggol sila. Maski kami naman eh naranasan yan pero nevertheless eh utang na loob ko iyon sa kanila sa mga oras na wala akong work eh sila ang nag hire sa akin hanggang tumagal ako nang ilang taon sa kanila.
Iba kasi ang department nila, mas pioneer kami kaya mas may tiwala sa amin na tuwing OT pag weekends eh iniiwan niya sa amin yung office mula umaga hanggang gabi. Iba management style nila wala silang pakialam talaga kung anung gawin mo sa office basta gawin mo ang work mo kahit maglakad lakad ka pa at mag patintero kayo.
Pero iyon nga lang, mahigpit sila masyado at medyo greedy sa pera, yung tipong gagawing ta*** ka pa talaga na sasabihin na nalulugi raw ang company pero tingnan mo naka ilang kotse at bahay na sila sa ibang lugar at pabalik-balik pa sila mula sa ibang bansa, pero wala naman sa akin iyon, at least Ok ang pagalis ko sa company. Tama na siguro yan past is already past, much important now is the present at yung future mo, at least may natutunan ako sa kanila.
Kalyo Atbp
Kahapon eh pumunta ako sa clinic malapit sa amin para ipatingin ang 2 year old food problem na kung saan eh ilang buwan at taon ko na ring iniinda, suspetsa ko eh ingrown nail siya kasi lagi namang nangyayari sa akin ito at ayaw ako tantanan ng lec**ng sakit sa paa na yan.
Sabi ng Duktor eh magpa-blood sugar test muna ako baka kasi diabetic ako (wag naman sana!). Sabi niya eh para nga maiwasan at maayos ang minor surgery kasi kagaya nga ng isang diabetic foot eh ma-amputate worse condition, kinabahan naman ako na wag naman sana umabot sa ganun pero ang mahal ng minor surgery Php 1,500 kaya nga nag dalawang isip muna ako at humingi n second opinion mula sa isa pang kalapit na clinic.
Iba naman ang hatol niya sabi niya hindi raw caused ng ingrown nail yun kundi callus (kalyo) raw iyon at nag hardened na nga. Medyo yung hardened part eh dati natutuklap naman talaga iyon pero ngayon eh parang cake na siya na naiipon lang kaya talagang kailangan na ng medication.
Sabi niya eh kahit raw surgery yan eh patuloy ring babalik iyon ewan ko ba kung sino susundin ko pero nevertheless try ko muna itong gamot na binigay - Duofilm, Php 300++ siya sa botika within several weeks eh subukan ko muna para mawala yung corn/callus whatever na iyan, dahan-dahanin ko raw ang pagalis using pumice stone or emery board. Sana nga eh maging Ok na ako with this at hindi na umabot pa sa surgery. Siguro gagawin ko yung payo na nakita ko sa isang website.
Samantala..
At Home
Umagang-umaga eh naasar ako kay Mama dahil nga dba nagtira ako ng pera pang opera sana sa paa ko just in case kaya hindi ko nabigay lahat ng sahod ko sa kanya, sasabihan pa akong madamot; halos wala na nga akong natatabing pera o mabili man lang na bagong damit tapos yan pa sasabihin sa akin -- sila na nga iniisip ko tapos yan pa maririnig ko, i'm just earning "enough" not "much".
Temporary work lang naman itong napasukan ko at patuloy naman ako sa pagaaply talaga even abroad para may experience na rin ako mangibang bansa, sometimes dapat bigyan ko ng space ang sarili ko para makagalaw naman siguro ako at maging free. Kaya nga gusto ko gabi umuwi na at nag Internet pagkatapos ng shift at nagpapaabot ng hapon eh para paguwi ko wala na akong maririnig na reklamo, lagi na lang kasing ganun ang nangyayari sa haus.
At Work
Ewan ko malapit na ang December talaga at yung evaluation eh andyan na naman, up to now hindi ko pa naabot ang required keystrokes sa work 1000 pa para maabot iyon pero ginagawa ko naman ang best ko, but my bets wasn't good enough siguro, kailangan ko pa magsanay siguro pero wala na akong magagawa kung hindi talaga ako aabot pa. Bahala na siguro ang Taas sa akin kung anung mga plans niya sa buhay ko. Wala naman talaga ako balak na magtagal dito, ayoko na magsabi ng hindi maganda.. wala akong mapapala dun.
With my Baby
Ayun, ito na nga ba sinasabi ko pag walang communication kung anu-ano ang naiisip ko talaga lalo na't malayo kami sa isa't isa, pero I trust my baby naman ako lang siguro ang paranoid talaga. More than 2 months na kami and were still testing the waters ika nga, sana malagpasan naman ang pagsubok na ito. God give me Wisdom pls kung anu ang dapat kong gawin.
My BMI (Body Mass Index)
Asar.. Grr! Overweight ako sa latest BMI index ko, need to lose weight, hunger strike!
BMI Categories:
- Underweight = <18.5
- Normal weight = 18.5-24.9
- Overweight = 25-29.9
- Obesity = BMI of 30 or greater
Disect
But what happens when you feel that you are "no longer" inlove with you mate? Do you just say, "Hey Sorry I don't love you anymore. Thanks for the 2 years!".
Bigla naman akong nalungkot kasi iniisip ko minsan iyan, hanggang kailan kaya kami magtatagal ng partner ko?! and after few months eh magkakasawaan na at hindi na magpapansinan, hanggang ngayon iniisip ko pa rin yan, kung niloloko ko lang ba ang sarili ko o totoo na ito at sinusubukan lang ang aming relation ng mga taong nakapaligid sa amin,alam ko hindi dapat issue rito ang location kahit pa malayo kayo sa isa't isa eh kung mahal nyo ang isa't isa eh walang ilog o bakod ang makakapagpapigil sa inyo.
"We may be bored of being with our mate or seeing them or talking to them everyday. But that doesn't mean you don't love him/her anymore! You just need to try different things. Or even try a different approach. Suprise each other every now and then."
Different things? Hmm.. hindi ko alam, siguro minsan bored na ang baby ko sa text messages ko kung kumain na ba siya? kumusta ang araw nya? love and miss yous ewan ko.. hindi ko pa siya nakakausap nang masinsinan pag nagkikita kasi kami minsan nood ng sine tapos kwento kung anu nangyari sa mga araw na hindi kami nagkita, mga ganun talaga.. hirap akong magsabi sa kanya ng diretso kung anu nararamdaman ko ngayon sa kanya at kung saan patungo ang relation namin.. hindi ako makahanap ng tamang lugar at pagkakataon para doon. Lalo na't nag-aaply ako for abroad at any moment pag Ok na sa employer eh within weeks eh lilipad na ako! Ewan ko minsan naiiyak na lang ako kasi maiiwan ko siya at baka paguwi ko eh wala na akong babalikan at mag-isa na naman ako.
"One of the most important things in a relationship is trust. Personally, I don’t think there will be any relationship at all if there is no trust between the two individuals."
Tinanong ko siya about this and naiintindihan naman niya ang situation ko kasi isa ako sa mga inaasahan talaga sa amin dahil sa hirap nga ng buhay ngayon maski 2 o 3 pa kami magtrabaho eh kulang pa rin sa mga pang araw-araw na gastusin. Tanong ko, "tayo pa kaya hanggang sa paguwi ko?.." sabi niya, "hindi naman maiiwasan na ma home sick ka dyan at makakita ka ng kapareho mong naghahanap ng pagmamahal",parang anticipate na niya na ganun na nga ang mangyayari sa amin, hindi ko alam anu iisipin ko kasi parang ewan.. ayoko isipin! ganun na lang ba kababaw ang relation namin na hindi ko man lang marinig sa kanya na.. alam mo na.. wag mo akong iiwan.. mag-aantay ako sa iyo! Saka ko na lang itutuloy ang kwento.
Random
Wrong Send of the Day (courtesy of an unidentified Globe# (xxxxxx6187)
Agency
Ayun pagdating sa agency eh nagantay nang kaunti usap-usap with fellow applicants merong isa sinabi sa akin mga process from interview to job offer tapos mga experience nila, yung gastos, yung sweldo, yung culture ng mga Arabo etc.. ang bilis ng interview wala pang 1 minute nga eh.. hindi pa nga ako nag-iinit sa upuan.. natanong lang kung magkanong salary gusto ko at multi-task pang job sinasabi nag-oo na lang ako kahit medyo labag sa loob ko tutal matagal pa naman at makakahanap pa ako ng ok na job sa ibang agency.
Then nakilala ko sa labas si Wilmort yung kasabayan ko.. lugi daw kami dun at kawawa lang kaya hindi niya tanggap yung offer, sinamahal nya ako sa iba't ibang agency pa para maghanap ng jobs.. nag level-up ang mind ko sa pagpunta sa mga places na nde ko pa nadadaanan.. sa Leon Guinto, Pedro Gil.. (hindi kasi ako gala talaga! sensya na!) nagpasa lang ng mga documents tapos tatawagan na lang.. kursunada ko iyong isang job sa may Al-Khobar kasi may makakasama ako just in case palarin na makapasa sa final interview.. Good luck na lang sa akin!
Teh Thinking Room
Kaantok
Sked
Since ang batch namin eh magkakahiwalay na.. *sniff* nag plano kami na paguwi eh sabay sabay kumain sa may dampa malapit sa work.. parang despedida.. for almost 2 months eh magkakasama kami tapos ngayon eh magkakahiwalay na kami at sa xmas reunion na lang siguro magkikita-kita.. nakaka-miss ang tawanan at pagsabay sa pagkain.. kasi ibang tao na ang makakasabay mo at kailangang ma adapt for change.. after kumain eh nag videoke muna kami.. then around 8pm eh umuwi na ako.. ganun talaga life.. hindi lagi kayo ang magkakasama!
Teh Informal Second
Then nagbukas na nga siya tapos eh akyat na agad kami sa movie house para alamin kung showing pa ang Stardust.. buti nlang at meron pa siya.. best date movie of the year hehe.. wala lang.. sa may center kami nakaupo watch movie while holding hands at iba pang kalikutan talaga.. Ok naman ang movie.. a bit disappointed.. siguro nag expect lang talaga ako ng malaki masyado na kagaya siya ng Harry Potter series kasi may witchcraft thing.. then after that eh kumain ulit kami pero iniisip ko pa kung saan sa merienda buffet ng Triple V sana kasi unlimited kaso iniisip ko mabibitin lang kasi paalis na rin baby ko maya-maya kaya siguro eh next time na lang talaga sa 2nd month mismo namin which is a few days from now.. Nakakahiya nga sa kanya wala man lang akong gift sa kanya talaga.. surprise ko sana kasi birthday card kaso pahamak itong Mega kung anung oras na nagbukas.. sa French Baker na lang kami tumuloy then after that nag MRT na kami papunta siya sa Gateway para meet friends niya then ako naman sa Quezon Ave.. babawi na lang ako next time.. I love you by!!