"Kapag sinabing matapang ka, hindi ibig sabihin nun e di ka na takot sa ipis, sa dilim, sa mga multo, sa bumbay na naka-turban at mga tindero ng balot. kapag sinukat mo ang katapangan sa ganung lebel, wala kang makukuhang isang perpekto at eksaktong pagpapahayag ng katapangan. Nasusukat ang katapangan sa kung ilang kawit ni kamatayan ang buong tindig mong iniwasan, sandamukal na problema sa pamilya, kaibigan, alagang pusa at mga puno ng kakawati, kung ilang beses kang tumayo kapag nalaglag ka at nasubsuob, kung alam mong harapin ang isang multong ikaw ang gumawa at kung paano mo binigyan ng solusyon ang isang nagnananang sugat na nanjan sa puso mo. matapang din naman ako. hindi ko lang alam kung saan ko ito ibubuhos."
-Elyas, Mga Lihim ni Hudas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Random
Post a Comment