Walang pasok ngayon kasi ThanksGiving Day sa Amerika. Pag holiday nila may pakialam tayo pero pag tayo wala lang sa kanila. Senti mode na naman ako kahapon; bukod sa hindi pa ako naka-singit sa pag-net sa pc sa may pantry eh hindi pa nag tetext sa akin baby ko, busy kasi siya ngayon at natanggap na sa work na apply niya sa Cavite. Ang layo masyado, minsan na nga lang kami magkita talaga, lalo pang mapapalayo. Malapit na ang 3rd monthsary namin, antay pa kasi namin showing ng Golden Compass -- pareho kasi kaming mahilig sa sci-fi; sana nga eh maganda ang film.
Next week aalis na ang kasama ko for abroad sa KSA, baka raw next month pa ang dating ng employer kaya antay-antay muna ako dito, sana nga eh tumawag sila after Pasko kasi mami-miss ko talaga mga mahal ko sa buhay pag pinalad ako just in case. Wala naman akong magagawa bulok kasi ang gobyerno at sarili lang nila iniisip niya kaya napipilitan mga kababayan natin na mangibang-bansa for better pay.
Sa Dec.2 na nga pala ang company early Christmas Party, all white ang motif - parang patay noh, naka all white pa talaga, yung upper garment lang siguro. Hindi ko pa alam kung makakapunta ako kasi malayo talaga, sana nga lang may sasakyan. Kuripot talaga ako eh, nasasayangan ako sa piso pag hindi tama ang pag-gastos. Dito lang kami makakabawi sa pagka-kuripot rin nila sa amin. Ah basta bahala na. Regarding sa work nga pala <500 pts na lang eh makaka-quota na talaga ako, pero bahala na rin kung anu mangyari talaga sa akin dun. Siyanga pala.. nakita ko an naman mga crush ko sa floor, hay pag tumitingin ako sa kanya napapa-smile lang ako. Sana araw-araw lagi siyang lumapit sa area namin para masulyapan ko siya.
Uso talaga ang pag private ng mga blogs. Naiinis lang ako minsan kasi dba ang blogging dapat ay free to view, para kasing nalilimitahan pag restricted access, well alam ko naman ang reason nila kaya Ok na rin siguro basta pa-invite na lang ah. Lol!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
privatization of blogs? panu yun?
arjay
November 23, 2007 at 2:31 PMtunay ngang dahil sa walang habas na pagsasapribado ng mga blog, nalilimitahan ang napakalaki sanag kapakinabangan nito. subalit, nasa kapangyarihan pa rin ito ng nagmamay-ari. :) ako? kung tatanungin, mananatili akong carinderia, bukas sa lahat ng gustong kumain., :)
Kris Canimo
November 23, 2007 at 4:41 PMsarap ng may crush.Saan ka work
Anonymous
November 24, 2007 at 3:00 AM@arjay
ginagawang private yung blog pag nde ka invited, hindi mo mababasa siya.
@kritiko
tama ka po run dapat lang talaga na free to all to view ang blog
@blacksoul
bakit mo naman natanong
Jinjiruks
November 24, 2007 at 3:10 PM