After several hours na pag blog-hop eh nadaanan ko ulit ang blog ni Tito TL.. well what can I say the best talaga siyang magbigay ng advice when it comes to relationships; habang binabasa eh napatigil ako bigla sa line na ito,
But what happens when you feel that you are "no longer" inlove with you mate? Do you just say, "Hey Sorry I don't love you anymore. Thanks for the 2 years!".
Bigla naman akong nalungkot kasi iniisip ko minsan iyan, hanggang kailan kaya kami magtatagal ng partner ko?! and after few months eh magkakasawaan na at hindi na magpapansinan, hanggang ngayon iniisip ko pa rin yan, kung niloloko ko lang ba ang sarili ko o totoo na ito at sinusubukan lang ang aming relation ng mga taong nakapaligid sa amin,alam ko hindi dapat issue rito ang location kahit pa malayo kayo sa isa't isa eh kung mahal nyo ang isa't isa eh walang ilog o bakod ang makakapagpapigil sa inyo.
"We may be bored of being with our mate or seeing them or talking to them everyday. But that doesn't mean you don't love him/her anymore! You just need to try different things. Or even try a different approach. Suprise each other every now and then."
Different things? Hmm.. hindi ko alam, siguro minsan bored na ang baby ko sa text messages ko kung kumain na ba siya? kumusta ang araw nya? love and miss yous ewan ko.. hindi ko pa siya nakakausap nang masinsinan pag nagkikita kasi kami minsan nood ng sine tapos kwento kung anu nangyari sa mga araw na hindi kami nagkita, mga ganun talaga.. hirap akong magsabi sa kanya ng diretso kung anu nararamdaman ko ngayon sa kanya at kung saan patungo ang relation namin.. hindi ako makahanap ng tamang lugar at pagkakataon para doon. Lalo na't nag-aaply ako for abroad at any moment pag Ok na sa employer eh within weeks eh lilipad na ako! Ewan ko minsan naiiyak na lang ako kasi maiiwan ko siya at baka paguwi ko eh wala na akong babalikan at mag-isa na naman ako.
"One of the most important things in a relationship is trust. Personally, I don’t think there will be any relationship at all if there is no trust between the two individuals."
Tinanong ko siya about this and naiintindihan naman niya ang situation ko kasi isa ako sa mga inaasahan talaga sa amin dahil sa hirap nga ng buhay ngayon maski 2 o 3 pa kami magtrabaho eh kulang pa rin sa mga pang araw-araw na gastusin. Tanong ko, "tayo pa kaya hanggang sa paguwi ko?.." sabi niya, "hindi naman maiiwasan na ma home sick ka dyan at makakita ka ng kapareho mong naghahanap ng pagmamahal",parang anticipate na niya na ganun na nga ang mangyayari sa amin, hindi ko alam anu iisipin ko kasi parang ewan.. ayoko isipin! ganun na lang ba kababaw ang relation namin na hindi ko man lang marinig sa kanya na.. alam mo na.. wag mo akong iiwan.. mag-aantay ako sa iyo! Saka ko na lang itutuloy ang kwento.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow. nakakalungkot naman to. may kilala rin akong ganito rin ang setup. *syempre hindi ako yun. haha defensive* pero seriously, love know no bounds. kung kayo talaga edi kayo. you just have to trust each other.
arjay
November 17, 2007 at 6:19 PMganun talaga cguro kung kayo eh di kayo.. pero ewan ko bro.. nalulungkot talaga ako sa situation namin ngayon parang inutil ako at walang magawa.
Jinjiruks
November 19, 2007 at 11:25 AM