Kahapon eh pumunta ako sa clinic malapit sa amin para ipatingin ang 2 year old food problem na kung saan eh ilang buwan at taon ko na ring iniinda, suspetsa ko eh ingrown nail siya kasi lagi namang nangyayari sa akin ito at ayaw ako tantanan ng lec**ng sakit sa paa na yan.
Sabi ng Duktor eh magpa-blood sugar test muna ako baka kasi diabetic ako (wag naman sana!). Sabi niya eh para nga maiwasan at maayos ang minor surgery kasi kagaya nga ng isang diabetic foot eh ma-amputate worse condition, kinabahan naman ako na wag naman sana umabot sa ganun pero ang mahal ng minor surgery Php 1,500 kaya nga nag dalawang isip muna ako at humingi n second opinion mula sa isa pang kalapit na clinic.
Iba naman ang hatol niya sabi niya hindi raw caused ng ingrown nail yun kundi callus (kalyo) raw iyon at nag hardened na nga. Medyo yung hardened part eh dati natutuklap naman talaga iyon pero ngayon eh parang cake na siya na naiipon lang kaya talagang kailangan na ng medication.
Sabi niya eh kahit raw surgery yan eh patuloy ring babalik iyon ewan ko ba kung sino susundin ko pero nevertheless try ko muna itong gamot na binigay - Duofilm, Php 300++ siya sa botika within several weeks eh subukan ko muna para mawala yung corn/callus whatever na iyan, dahan-dahanin ko raw ang pagalis using pumice stone or emery board. Sana nga eh maging Ok na ako with this at hindi na umabot pa sa surgery. Siguro gagawin ko yung payo na nakita ko sa isang website.
Samantala..
At Home
Umagang-umaga eh naasar ako kay Mama dahil nga dba nagtira ako ng pera pang opera sana sa paa ko just in case kaya hindi ko nabigay lahat ng sahod ko sa kanya, sasabihan pa akong madamot; halos wala na nga akong natatabing pera o mabili man lang na bagong damit tapos yan pa sasabihin sa akin -- sila na nga iniisip ko tapos yan pa maririnig ko, i'm just earning "enough" not "much".
Temporary work lang naman itong napasukan ko at patuloy naman ako sa pagaaply talaga even abroad para may experience na rin ako mangibang bansa, sometimes dapat bigyan ko ng space ang sarili ko para makagalaw naman siguro ako at maging free. Kaya nga gusto ko gabi umuwi na at nag Internet pagkatapos ng shift at nagpapaabot ng hapon eh para paguwi ko wala na akong maririnig na reklamo, lagi na lang kasing ganun ang nangyayari sa haus.
At Work
Ewan ko malapit na ang December talaga at yung evaluation eh andyan na naman, up to now hindi ko pa naabot ang required keystrokes sa work 1000 pa para maabot iyon pero ginagawa ko naman ang best ko, but my bets wasn't good enough siguro, kailangan ko pa magsanay siguro pero wala na akong magagawa kung hindi talaga ako aabot pa. Bahala na siguro ang Taas sa akin kung anung mga plans niya sa buhay ko. Wala naman talaga ako balak na magtagal dito, ayoko na magsabi ng hindi maganda.. wala akong mapapala dun.
With my Baby
Ayun, ito na nga ba sinasabi ko pag walang communication kung anu-ano ang naiisip ko talaga lalo na't malayo kami sa isa't isa, pero I trust my baby naman ako lang siguro ang paranoid talaga. More than 2 months na kami and were still testing the waters ika nga, sana malagpasan naman ang pagsubok na ito. God give me Wisdom pls kung anu ang dapat kong gawin.
My BMI (Body Mass Index)
Asar.. Grr! Overweight ako sa latest BMI index ko, need to lose weight, hunger strike!
BMI Categories:
- Underweight = <18.5
- Normal weight = 18.5-24.9
- Overweight = 25-29.9
- Obesity = BMI of 30 or greater
masakit pala yung kalyo?
arjay
November 20, 2007 at 5:41 AMhindi naman pero masakit pag malamig at tumatama eh nagdudugo tlaga siya
Jinjiruks
November 21, 2007 at 3:21 PMi think if we r facing some problem we should immediately went to consult the doctor.http://www.ingrownfingernail.org
All Care Tips
August 6, 2011 at 2:00 PM