Kahit medyo labag sa loob ko talaga na pumasok ng ganung oras eh sige nag-Ok na rin ako sa sked na binigay sa akin ngayon na 4am in which eh mga 3am eh makasakay na ako sa fx papuntang Marikina nyan, kanina eh buti naman eh may nahanap agad akong fx paglabas ng kalsada.
Ayun si manong ang daldal talaga, nagsimula kasi sa tanong kung dadaan ba sya sa way na sinabi ko sabi nya kahit Aurora o Tuazon pa yan dadaan pa rin iyon, hanggang sa mag kwento na sya dun sa mayamang hapon na inarkila ata yung fx niya pauwi sa Tacloban, halos 2.5k ang renta sa kanya everyday sa loob ng 2 weeks na bakasyon nila run.
Sabi rin niya yung mga isda run eh sobra sa mura at pagdating sa Maynila eh ubod nang mahal na, kwento rin niya sa prankisa ng fx na mabuti eh hindi siya napasa sa GT (garage to terminal) type kung san eh walang choice talaga yung operator kundi sa route lang talaga nila. Ayun mga ganun lang napagusapan namin hanggang sa bumaba na ako sa work. Aba pampatanggal antok rin iyon habang nag drive si Manong.
Akala ko pa naman eh nag dorm na iyong baby ko kagabi iyon pala eh sa Friday pa ata siya lilipat run, trying to familiarize pa siguro yung lugar at workplace para makapg adjust siguro siya sa environment. Masaya naman ako at malapit na rin niyang matulungan ang kanyang family niyan at makapagpadala na ng pera sa magulang niya sa probinsya. Malapit na rin ang 3rd month namin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
antok lang yun si manong kay nag-ingay. buti na rin yun para gising siya sa pagmamaneho
arjay
November 29, 2007 at 10:31 AM@arjay
honga eh.. buti na lang para nde makaidlip
Jinjiruks
November 29, 2007 at 3:06 PM