Kahapon eh nagpunta kami ng kapatid ko sa Megamall (since walang pasok) para mag apply ng wireless lanline sa PLDT, sana nga eh may makuha kami kasi naka ilang balik na kami sa may Marcos Hi-way na branch nila at laging wala. Ang daming tao talaga, lalo na sa mga ATM areas kaya nagantay pa ako nang matagal sa pila talaga para mkapag withdraw.
Pagkatapos eh napunta na kami sa PLDT sa 5th floor, pinababa kami sa may Dept Store 2nd floor area nila kasi mas mabilis raw application run, kaya ayun punta naman kami, then pagrating dun eh Ok naman at mabilis ang pag aapply 2 IDs lang kelangan nila at hindi na kasing rami ng hingi sa mga office talaga nila.
Pero amp! na out of stock na rin raw sila run, pero bukas raw (which is ngayon!) may 16 units na darating, pero malabo pa rin since marami na rin ang pending. Sana nga eh matawagan na para magkaroon na kami ng linya tlaga. Ang hirap sa payphone kasi abusado minsan yung iba na wala pa ngang 3 mins eh o mga ilang seconds lang after that eh Php 10 na agad ang charge nila.
Hindi pa ako umuuwi kasi sa haus ngayon at nasa pantry area lang at nag-Internet, sayang kasi wala na pasok bukas kaya samantalahin ko na ito. Sana nga eh natawagan na siya at pauwi na ngayon dala yung unit.
Hindi ko pa rin sure kung makakapunta ba ako bukas sa Christmas Party ng company namin kasi nagtitipid ako ngayon sa pera nang kaunti kasi alam mo na hindi naman ganun kataasan ang salary ko at sapat lang talaga para sa mga pang araw-araw na gastusin talaga. Pagiisipan ko muna ito nang mabuti siguro. Bahala na ulit!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Apply
Post a Comment