Patapos na naman ang week ngayon at heto andito pa rin ako sa tapat ng PC at nag i-Internet, mainit pa kasi sa labas kaya just wanna kill some time here. Kahit papano eh nakakapag update ako rito sa message boards and even my blog.
Kakabigay lang kanina ng 13th month as expected and computed ganun pa rin, pero masaya na rin ako kesa naman sa wala. Iyon nga lang ang dispute na inaantay namin eh up to now eh wala pa rin at wala akong idea kung kailan ba siya ibibigay. Malamang siguro pag nag resign ka na rito saka pa lang nila ibibigay as backpay siguro. Mga gahaman sa pera na Accounting Department.
Nakakasa na rin ang mga get together namin para sa buong buwan. Sa Dec. 23 eh annual reunion ng Batch 2003 BSCS section SC (na mula simula eh solid talaga ang grupo na ito). Marami na rin kaming nadaanang magkakabarkada mula pa noong college days at heto andito pa rin kami. Ang iba sa amin nasa abroad na, nag-asawa at yung iba single and happy pa rin. Excited na ako makita yung mga taong matagal ko nang hindi nakikita sa loob ng ilang taon. Lalo na si alam na niya yun kung sino siya.
Sa bandang katapusan naman eh get together rin (pero tentative pa lang iyon) ng mga taga Intel (not the big techy firm) mga ex at mga current, sa totoo lang sabi nila hindi na raw masaya ang Intel ngayon hindi kagaya ng dati kasi na alam mo na puro tawanan at biruan lalo na pag kainan time, halo-halong topic napag uusapan. Nakaka miss sina Yus, Miko at si Alu. Yung grupo nila Pete, Guia at Roger lalo na si Mam Tina na kung saan eh wala akong masabi sa kanyang dedikasyon sa work talaga, kahit hindi pa siya umuwi nang ilang araw eh ok lang basta matapos lang ang project bago umabot ang deadline. Miss ko na kayo.
Sa blogging world eh halos hindi ko kayo kilala nang kaunti kaya medyo hindi ko pa naiisip yung get together.. Sina Ymir at Jeff ang balak ko unang kitain kasi sila lang mga kauna-unahang naging friend ko dito sa blogosphere. Eh ang tanong eh kailan ba talaga, wala namang usapan tungkol dun.
Hindi ko pa alam anu mangyayari sa akin next year, siguro paghahandaan ko talaga ito nang mabuti at talagang loyal at strict ako sa long term goals ko. Bago man lang mag 30 eh dapat stable na kami at may matatawag na aming bahay talaga, wala lang. Iyon lang naman iniisip ko sa ngayon yung maging kuntento or kampante na sina Mama at wala nang inaalalang utang pa, kasi ang laki nang gastos nila sa akin na hindi ko pa naibabalik ang favor sa kanila.
Nakakahiya nga talaga at kailangang pursigido na talaga ako next year para guminhawa naman sila. Hindi ko na iniisip ang sarili ko. Sila muna bago ako, kasi mahalaga sila sa akin. Ang kaibigan they'll come and go pero in the end ang family pa rin ang matatakbuhan kahit anu pa ang mangyari sa buhay mo. Tama na nga.. nagiging pang MMK na ito. Hanggang sa muli!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sama ako dyan!
Anonymous
December 16, 2007 at 3:39 PMngek. ganun. wala pa akong balak baka next year pa sa mga blogger.
Jinjiruks
December 17, 2007 at 11:31 AM