killjoy - someone who spoils the pleasure of others
Guys pasensya na talaga at hindi ako makakapunta sa mga activities na dapat kong i attend this day una, sa college get together party;no worries pupunta naman ako sa actual event na iyon; pangalawa eh kina jaja, tan, kuya rob and other opismeyts ko, hindi rin ako makakapunta sa company pre-Christmas party.
May personal reason ako kaya hindi ako makakapunta at saka isa pa eh wala na akong budget kahit pa sa transpo man lang kasi nabigay ko na naman ulit sa tindahan, kasi nakikita kong papaubos na naman ang laman nito ulit at madalas eh ito ang nagliligtas sa amin pag gipit kami. Tawagin mo na akong KJ wala naman akong pakialam talaga sa comment nyo sa akin. Wala naman akong magagawa run. Sana nga eh hindi lang dumating sa point na iyon na kung anu pa masabi nyo sa akin.
Sa work naman eh ganun pa rin frustrating pa rin an Payroll Dept kasi yung disputes namin eh hindi pa na resolve baka mamaya eh sa backpay pa ibigay ng mga le*** na yan, hindi na sila nakakatuwa talaga, kung ganyan sila na tatamad-tamad eh mabuting mag resign na sila, isa sila sa mga anay sa kumpanya. Ilang minuto lang nyo gagawin yan eh tumatagal para kayong gobyerno, mga bulok pes**!
Sa Dec 3 ulit eh 3rd months na namin ng baby ko, hindi pa kami nagkikita at miss ko na siya talaga. Antagal namang dumating ang half ng December para ma-treat ko naman siya na manood ng sine at kumain sa labas. Busy pa rin siya at nag aajust sa work niya. Maraming ka opismeyt ko nangungulit sa akin na ipakilala ko raw, pero KJ nga ako at ayoko, low profile lang kami at private; hindi ko ikanakahiya meron lang matters na hindi na dapat pang for public scrutiny. Sana nga eh pag may time kahit a simple walk lang sa may river eh Ok na sa akin with my Baby watching th fishes and other non biodegradable things na palutang lutang dito. Haha!
Malapit na naman ang Pasko, wala pa ring bago sa buhay ko. Maski mga bagong gamit wala pa rin, sapat lang kasi kinikita ko at usually eh sa gastos sa bahay napupunta. Yung balak kong bilin na cellphone eh nde ko na muna iniisip. Hindi ko pa naman talaga kailangan iyon.
hirap n tlaga ng Pinas, migrate na! haha
Kris Canimo
December 3, 2007 at 4:11 PMhonga eh. ako rin malapit na.
Jinjiruks
December 4, 2007 at 2:05 PM