Kakapagod lakad namin kahapon kasama parents ko regarding sa loan concerns sa Pag-Ibig. Mula work eh diretso na agad ako sakay ng Cubao para magkita kami dun at sumakay ng MRT, akala ko pa naman eh wala pa sila, iyon pala eh nasa taas na ang bumibili ng ticket, amp talaga ayun sumunod nalang ako at nakita ko nga sila run.
Pagkabili ng ticket eh sumakay na sa crowded na MRT (wala namang bago roon, dati na namang masikip at puno na pagdating sa Cubao. Then bumaba kami sa Ayala station, sa mapa kasi sa haus eh nasa Paseo de Roxas yung place iyon pala eh mas malapit pag nilakad sa Makati ave, napagod lang kami kakalakad at tanghali pa naman that time.
Then nung andun na kami eh ang rami pa ring tao sa The Atrium of Makati kung saan naka base ang Pag-ibig, ayun inasikaso na yung problema sa housing loan then nag sinabi sa amin na ilipat na lang sa pangalan namin yung lupa para ma re-structure yung amortization namin kasi kung alam nyo lang kung magkano kada month ang babayaran namin pag wala pa kaming ginawang action.
Then pagkatapos eh umuwi na kami, sumakay ng bus papuntang Buendia MRT then sa Quezon Ave kami bumaba, buti hindi pa traffic that time, then at around 5pm eh nakarating na kami sa amin, wala lang nag kwento lang ako. Hehe! Sensya medyo boring, wala lang kasing ma post sa ngayon eh! Next time na lang ako babawi!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Nang dahil sa Pag-ibig
Post a Comment