Tuwing umuuwi na lang ako eh at pagkasakay sa dyip eh, habang umaandar ang sasakyan eh hindi ko lubusang mawala sa isip ko kung anu na ba talaga ang nangyayari sa aking buhay ngayon at saan ako patutungo.
Puro pagbabalik tanaw at mga nangyayari ngayon ang nasasaisip ko, yung mga tanong na kung bakit hindi pa ako masaya ngayon sa buhay kong ito, hindi kagaya ng dati nung ako'y bata pa. Hindi ko na makita yung ngiti sa aking labi ngayon at hinahanap hanap ko pa rin.
Anu kaya ang nagawa ko, anu kaya mga kasalanan ko kung bakit ganito ako ngayon, sandali lang nman ang kasayahan at mas matagal ang panahon ng lungkot. Ewan ko, anu ang kelangang kong gawin para maging masaya ako, maski ang entry na ito eh magulo rin at walang patutunguhan.
Hanggang ngayon pakiramdam ko parang may kulang pa rin sa akin at hindi mapunuan ng mga bagay sa aking paligid, maski yung mga taong inaakala ko na makakapag papuno sa akin eh hindi ko rin mahanap sa kanila. Bakit kaya ganito ang buhay puro pasakit na lang. Kailan ko kaya mahahanap ang kasagutan sa aking mga tanong, kailangan pa bang mamatay ka muna para makita mo ito sa kabilang buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
alam bro it makes me wonder... bakit parang pareho tayo ng nararamdaman? as if you arel ike my twin. hahaha!
hope this can help.
Ronnie
December 12, 2007 at 10:47 PMganun ba ymir, siguro pareho lang talaga tayo ng kalagayan ngayon at medyo nag iisip kung anung path ang tatahakin kasi nalaman natin na medyo hindi ok ang nadaanan natin at gustong bumalik sa mga lumang daan kung saan eh kuntento tayo at masaya.
Jinjiruks
December 13, 2007 at 4:19 PM