Kagabi nakatanggap ako ng text message mula kay Rene, kita-kita raw sa haus nina Angelo sa may San Jose, nagpunta lang that time ako, si Rene, Thomas, Pogs, yung iba kasi me ginagawa ata. Akala ko pa naman eh andun na sina Angelo eh wala pa pala pero mag ilang minuto lang andyan na rin siya. Usap-usap sa latest games kagaya ng Residen Evil 5, Parasite Eve 3 at yung movie na RE: Degeneration. Then napagkasunduan na sa Monday (holiday sa US kaya walang pasok) eh try naming maglaro ng Cabal Online, just like the good old days pero this time no adik mode, just for fun and bonding na rin sa mga barkada. Excited na nga ako.
Then kainan na nanbg kaunti, tuloy ang chatting and balak ko na rin kumuha ng Student License sa Driving para kahit papano eh naka-ready na siya kagaya ng ginawa ko dati for Civil Service. Then mga 10pm, nagpunta na kami sa may peryahan sa may hi-way sa amin, ngayon lang ako ulit nakabalik dun sa lugar ang nag enjoy naman kahit papano, lalo na ang Bingo, nakakatawa si Thomas kasi hindi niya alam, nanalo na pala siya, bawi lang ang pinanlibre niya sa akin. Maaga rin ako umalis nina Thomas at naiwan na sila. Bukas kasi napagusapan na jogging time na and gagawin na naman ito on a weekend basis every morning, alam mo na medyo lumalaki na ang tiyan at mukhang hindi na maganda ito kaya it's about time to burn some fats and eat veggies muna.
Kaninang umaga ako unang nakapunta kina Angelo, akala ko nga indian ako ng mga kumag iyon pala eh late na sila dumating sa meeting place, buti naman kesa naman hindi sila nakapunta - wala kasi akong load that time hehe. Mga 6am na kami nakapasok sa oval area sa elementary school may Php2 na bayad pero sulit naman para sa maintenance na rin ng ground. Ayun stretching muna, buti na lang at may instructor kami at tinuruan kami ni Thomas at kung ilang laps ang jogging at brisk walking. Medyo nakakapagod at hingal pero Ok lang, ganun naman talaga sa simula. Pero mga ilang araw o buwan baka makatakbo na rin kami. Plano rin namin ang mag biking sa area then sa may Wawa area na, buti na lang at may mountain bike kami pero hindi na ako nakakapag practice kaya medyo alalay muna siguro. Marami pa akong plano na gawin bukod pa sa pagsali sa mountaineering club. Masasabi kong ito na ang simula ng malaking pagbabago sa aking buhay. Social Rebirt has just began.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: My Social Rebirth
Post a Comment