Tanghali Tots again

Hindi pa rin ako maka-recover mula sa blogpost ni Dale, ako kasi pag ganun iniisip ko na ako siya at paanu pag nangyari sa akin mga ganung situation, mga reaction ng mga nakapaligid sa akin, mga ganun. Lalo na ang death of a loved one. Hindi ko maisip kung anu gagawin ko just in case manyari iyon. Kaya minsan pag nasa taas ako namin, gabi, madilim at ako lang eh nagse-senti na naman ako at iniisip ang buhay-buhay. What if pag ako namatay, sino dadalaw sa wake at libing ko. Mga emosyon ng mga tao sa paligid. Isa ko pang iniisip eh mga death moments, paanu gagawing memorable siya (morbid!). Yung tipong may mga huling pasabi pa or stare sa last person na makikita mo habang buhay ka.

Nakakapagod na rin kasi mabuhay, sa totoo lang. Gusto ko na minsan magpahinga na talaga. Dahil hindi ko na makita ang kasiyahan at peace of mind ngayon. Mapapansin sa mga entries ko puro na lang negative at dark ang mga entries. Para sa akin kasi panandalian lang ang happiness at mas mahaba ang panahon ng kalungkutan. Life is always not fair, that's the painful reality. Ewan ko, kelangan ko ngayon ng ilang toneladang head ups, motivation and positive reinforcement.

5 Reaction(s) :: Tanghali Tots again

  1. Siguro nga, what doesn't kill us, only makes us stronger. Lots of time, ang daling isipin na mag give-up kasi un ang pinakamadaling gawin. The hell with everything else kasi ayaw na natin, sobrang gulo na and we can not see things going better. Maybe they will and maybe they won't. Pero ako iniisip ko nalng and mararamdaman ng mga taong mahal ko ngayon pag nawala ako. Kung ako, nakaya ko ang pagkawala ng taong minahal ko, and ilang tonelada pang problema, ang ibang mahal ko sa buhay may not recover pag ako ang nawala. That is enough to make me want to stay and live on. No matter how difficult things may seem sometimes.

  2. mag cacape ako, wag ka lang magmulto, baka makita kita, minsan nagbubukas ang third eye ko. hehhe, joke lng ... just live your life to the fullest... enjoy your life it may not rewind again. Just love the person you loved ...

  3. @dale
    I guess your right, pag nawala na ako paano na lang sila. kakayanin ko na lang siguro. You're story will serve as an inspiration to me to continue living and exist because our loved ones needs us.

    @keith
    lolness ka talaga, hindi kita titigilan sa pagmumulto. tandaan mo yan may kasalanan ka pa sa akin.

  4. Life is not fair. Either you get even with life or magpakamatay ka na lang.

    Natutunan ko na ang happiness, kahit pa sabihin na nating we deserve it, hindi yan basta mahuhulog sa mga palad natin. You should grab it and claim what's yours.

    At sabi nga sa Kung Fu Panda
    "Yesterday is history, tomorrow is a mystery, but today is a gift. That is why it is called the present."

    Yung magising tayo bawat umaga, sapat nang dahilan yun para ipagpasalamat na may buhay pa tayo. Na may purpose pa rin.

  5. salamat eben for that inspirational quote. tama ka nga.