Kapag stressed out or depressed ako, yung mga bagay na iniiwasan ko, ginagawa ko. Kagaya ng pagkain ng mga matatabang pagkain kagaya ng chicharon, bumili ako at kinakin ko habang nasa daan. Mabuti pang mamatay nang maaga tutal pareho lang naman nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko wala akong kwenta at napag-kaitan ng tadhana. Hindi mayaman, pangit, walang lovelife at mataba. May pag-asa pa kaya mabago ang aking kapalaran, wala naman akong ginagawang masama sa iba, ginagawa ko naman ang trabaho ko nang maayos, nagbibigay naman ako sa bahay, mabait naman ako sa iba. O baka hindi ko lang talaga mahal ang sarili ko at mababa ang self-esteem ko kaya ako ganito.
Nakakainis bakit hindi ko magawa ang mga gusto ko. Bakit ang daming hadlang sa mga goals mo sa buhay. Bakit hindi na lang kagaya ng isang palabas na napapanood sa telebisyon ang buhay na may "they lived happilly ever after. Bakit kailangan kong danasin mga bagay na ito? Hanggang kailan ganito ang buhay? Ang daming tanong na walang kasagutan at habang buhay na lang hindi masasagot hanggang sa mamatay ka. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan at ituwid ang mga pagkakamali sa buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Tanong na walang kasagutan
Post a Comment