Sa buong Saturday at Sunday na kakaulan, wala akong nagawa kundi mag-stay sa haus at todo umay talaga naramdaman ko, kaya laging nasa taas ng haus namin lang ako. Latag ng banig, nag unli sa Globe text mga friends and suitors. Ayun kahit papano may progress na ako sa mga nililigawan ko (naks!), pero ayokong umasa na naman baka mamaya wala na naman kagaya nang nangyari kay C kaya cautious na ako ngayon. Na miss ko na nga si P kaso nasa Cebu siya at baka next year pa ang punta niya sa Manila, sana nga siya na ang hinahanap ko nang ilang dekada na. Puro failed relations na lang palagi, kelan ko pa kaya mahahanap yung tamang person para sa akin.
Nagpunta ako sa SM Fairview para bumili ng pants na dark colored kasi mga shirt ko halos ganun na ngayon at ang sagwa talaga pag light jeans na isasabay. Pinanood ang trailer ng God of War, naglibut sa paligid. Bumili ng fruit smoothies sa Fruitas, garlic bread sa French Baker. Then mga hapon umuwi na ako. Akala ko pa naman malilibre na ako ni Raniel kaso nasa work pa daw siya, wala kasi siya sa Tekken area sa Quantum. Mabuti naman at hindi umulan sa paguwi ko at sa pagdating ko na lang sa amin. Kinabukasan pinaputulan ko na (dahil mahal pag sa SM pa), and ngayon eh suot ko na. Sa wakas bagay naman sa akin ngayon.
Naumay ako sa spaghetti ah, nakakasawa yung laging timpla na matamis gusto ko kaunting bland naman kagaya ng burgers sa McDo (mabuhay ang Jollibee), kagabi maisip ko lang iyon parang nasusuka na ako, siguro baked macaroni na lang iisipin ko ngayon para maiba naman. Please no more spaghetti. Ayoko na ng timpla ni Mama o kaya bigay ng mga kapit-bahay. Waa!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Umay na naman
Post a Comment