Pag Monday talaga nakakaantok, kahit 4.30am pa ako nagising kanina, nakapikit pa rin ang mata ko at mga 10mins pa ang lumipas bago ako tumayo at mag-ayos na para sa pagpasok. Napuyat na naman kasi kakapanood dun sa Ch.7 ung Punisher, actually hindi talaga ako Marvel fan whatsoever, mas prefer ko ang Jappy anime kesa sa US crappy heroes. Hindi ko na dinala ang hooded jacket ko akala ko kasi wala na ang bagyo (alam ko papaalis na ata), pero pagpasok kanina, medyo huling pahabol pa ni "Nina" kaunting ulan lang then wala na. Ayoko pa naman gamiting ang payong ko pero wala akong choice.
Kagabi nagpa-load ako ng all-text 20 sa Smart, wala lang batian time sa mga matagal ko nang hindi nakakausap like my ex-officemates, old friends. May sumasagot, meron ding asa ka pa talaga na sasagot sa iyo. Mostly mga officemates ko sa ICT mga nag reply, kumustahan - kung may hiring ba daw dito, ayaw na nila dun, anu na balita sa mga kasama, mga ganun. Si Eric naman nangako na pupunta sa AniCon sa Oct.12 sa Mega. Tuparin mo yan hehe, tagal na tayo hindi nagkikita kasi.
As usual for the past weekends, back to Cabal Online gaming, nagkita kami ni Harison online, pinahiram ako ng pera - binigyan ako ng EOS+4 (matagal ko na itong hinahanap - yung cape sa game), hindi na ako nagpunta pa sa Cabal online shop para bumili ng BB (Blessed Bead - Skill Exp + 50%), kasi meron naman nagtitinda thru Altz (currency ng Cabal), sayang nga lang ang other 12 hrs dapat nagamit ko. Sinabi sa akin na sa level kong ito (level 56) dapat eh A./G. Master na dapat ako sa skills ko, kaya ayun imbes na malalakas na magic gamitin - mga basics pero tuloy pa rin ang quest. Pag walang BB kelan pa kaya tataas ang magic rank ko. Astig rin ang TwinGun ah, parang Neo ng The Matrix ang siste, astig grabe sana nga permanent weapon na ito kung hindi lang archer eh dapat gunner ang class. Medyo nagtaas nang kaunti ang rate sa shop kasi mahal ang DSL, kaya naghahanap ako ng mas makakatipid ako (pero compared sa ibang shops - ito na ang pinakatipid). Sana nga may Php150/to sawa na mga shops, walang tayuan siguro ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Bak to Work Agen
Post a Comment