Pagkasakay ko kanina sa last train part ng MRT, nagulat na lang nang may marining ako na nagsasalita nang malakas at inaayos ang flow ng mga tao sa loob ng train, isa pala siyang safety officer sa Philippine Air Lines. Iniisip ko kung bakit niya ginagawa iyon?; nagmamagandang loob ba o regular na niyang gagawin iyon?. Hehe! Hanga ako sa pagsasalita niya at talagang agaw atensyon sa mga nasa loob. Nung lumapit ako nang kaunti sa kanya para tingnan kung may ID ba siya, wala akong nakita kundi plastic file folder lang, suggesting na hindi niya gagawin ito araw-araw, napadaan lang siguro at ina-exercise lang ang peace-keeping/order duties niya. Sana nga andun na lang siya palagi para maayos palagi ang MRT at hindi ganun kasiksik, magaling kasi siya sa pag-aayos ng flow ng traffic at pag crowd control.
Tuesday. Half-day lang kami kaya nag-VTO kami, wala na kasing account na ma-pullup sa system kaya nag decide na lang ang majority na gawing VL (Vacation Leave - para bayad) nalang ang 1/2 work day. Gusto ko rin naman para makapag-laro ako nang kaunti sa Cabal Online. Lv.48 na ang Force Archer ko, desperado na akong makakuha ng Epaulet of Sage (yung +3 na pwede ko na suotin), nagpunta ako sa trading channel pero puro +5 pataas lang (meron na akong +5 kasi, bigay lang). Sa weekends mag-aadik na naman ako nito. Hayz, nakakatanggal talaga ng stress sa work itong gaming kahit medyo physically exhausted na ako, ok lang kesa naman mentally na mahirap gawan nang paraan minsan.
Monday. For the first time sa loob ng ilang taon na pagsakay ko sa MRT, na-overstay ako kaya naman nabigyan ako ng penalty na Php15, huhu! nakakahiya talaga, inantay ko pa kasi si Tina (former officemate) kasi magbabayad ako ng utang sa kanya, eh 10pm pa ang shift niya kaya inantay ko siya sa may MRT, eh Sun pa siya at hindi Smart kaya super delay mga text messages niya, 9.30pm na that time magpapasya na sana ako na umuwi na lang buti na lang at tumawag siya at sinabi niyang andun na siya sa MRT, ayun usap-usap lang then uwi na. Pagkauwi ko pa lang na receive mga text messages niya na nasa Cubao pa siya at mga 10mins pa daw siya makakarating. Hehe!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hello po Sir/Madame,
Thank you very much for appreciating my service. Actually Seaman po ako ng SRN Fast Seacrafts Weesam Express based in Cebu City. Pero nag training lang ako sa aming business partner Philippine Airlines as Flight Attendant. yung nga lang po di nakapasa kaya balik barko ako ngayon.
For your information po Sir/Madame.
Seafarers of shps as well as Flight/Attendants of airliners are authorized Law Enforcers like PNP and AFP. And crowd control work at MRT is one(1) of our duties bilang mga Alagad ng Batas.
By the way nais ko pong humingi ng further comments from you or your peers regarding our MRT duties. You can add me sa Freindster. military_605@yahoo.com.
Hoping to hear from you soon.
Thank you very much po at sana naman ay palagi po tayong susunod sa Batas na amin pong pinapatupad. MAY GOD BLESS US ALL.
WEESAM EXPRESS SEAFARER LAW ENFORCER
MRT CROWD CONTROL OFFICER
Anonymous
June 13, 2009 at 2:47 AMmay new post na tungkol sa iyo. hanapin mo na lang sa blog ko for this month.
Jinjiruks
June 27, 2009 at 3:11 AM