Friday. Kaming mga malapit sa North area (Quezon City adjacent areas) ang nagpunta sa wake ng dad ng officemate namin kasama si Boss Darwin (Oper. Mgr. namin). Sumakay ng MRT to North Ave., mahaba ang pila sa jeepney kaya pinakyaw nalang namin ang isang FX, Php250 ang singil; nagmamadali kasi kami (hopefully makakaabot sa mass), medyo traffic dahil rush hour. Nakarating rin kami sa church - sinalubong kami ni Garry with his wife and son. Hindi na kami nakaabot, medyo hindi pa nakakatulog nang maayos si Garry kaya mukhang haggard - kaunting usap-usap, pakilala sa friends and relatives. After a couple of minutes umuwi na rin kami dahil medyo gumagabi na at alanganin ang area sa way namin palabas. Malaki na ang pinagbago ng Congressional Avenue, dati parang deserted area siya like Regalado sa Fairview pero ngayon, grabe na ang improvement - puro commercial establishments na siya.
Saturday. Dahil nga sa ginabi na nang uwi - hindi na ako nakapag-jogging (nakakainis dahil 2 weeks na nga eh), tinanghali nang gising, siguro bumabawi lang ang biological clock ng aking katawan sa mga araw na 3-4 hours lang talaga ang tulog ko. As usual weekends is the time for gaming and bonding with my peers. Marami na rin akong dinadayong mga computer shop para paglaruan at makahanap ng mura rate and promos; eh nakita ko itong bagong shop boasting it's 3.5MBps connection so sinubukan ko siya and may promo silang unlimited for Php150 - Ok ang area at mabilis talaga ang connection pero problema ko lang eh uber init talaga kasi nakabukas ang pintuan at ang mainit na hangin eh dumadaan sa akin, kaya naman tagaktak ang aking pawis. Hindi na ako nakalagpas ng 12 hours nun dahil groggy na ako, kung aircon lang sana eh makakatagal pa ako. Hindi kami nagkita nila Angelo at Rene - kasi busy ata sila that time kaya mag-isa lang ako.
Sunday. And again for the 2nd time - hindi na naman ako nagising nang maaga (although 6am eh pwede pa, mas gusto ko kasi na around 5am magising dahil alanganin na sa pag jogging iyon at pasikat na ang araw). Nag-usap ulit kami nina Rene na magkita at around 8.30 dun sa bagong shop ulit. Problema ko lang, hindi ako nakapag-load kaya ang hirap ng usapan namin. Isa pa itong si Angelo - hindi naman nagte-text sa akin. Ilang hours akong nag-antay sa supposedly na waiting area namin up to 10am pero wala man lang dumating, hindi ko alam kung nag-text ba sila dahil kampante akong darating sila at iniwan ko ang cellphone ko. Problema pa, yung 2 shop pag Sunday eh tanghali na magbubukas siguro kaya hindi ko alam kung matutuloy pa kami. Umuwi na lang ako at inisip na baka nga hindi na tuloy at busy sila. ag-uwi sa bahay, kumain muna sandali, nag-ayos ng mga bagay sa tindahan. Then all of a sudden nag-text at missed call sina Rene at Angelo na andun na daw sila sa meeting place, kaasar-talaga - sayang lang ang pamasahe talaga. Humiram na lang ako sa tindahan then umalis ulit para kitain sila. Sa may Dunkin Donuts kami nagkita ni Angelo kasama ng pinsan niya - wala pa si Rene - nag-text siya na may alam daw siyangh shop na Php10/hr pero hindi aircon. Ok na rin at least makakatipid ako. So ayun nagpunta kami dun na nagkita and naglaro. Ok naman ang shop, mabilis kahit papano, balak ko nga pag weekends - dun na lang maglaro.
After playing, umuwi na kami by 5am then si Angelo pupunta daw kina Cyril at may kukunin lang - wala pa ring nagbago kay Cyril at sa kanila - mayaman na naman siya, dapat pinapaayos na nila ang bahay nila - parang fortress kasi sa kulob ang lugar. Ayun inggit ako dahil kaya ng astig ang laptop niya at dun siya naglalaro. Well balak ko talagang bumili ng laptop - isa sa mga wish list ko yan na sana magkaroon na ako hopefully next year - maliit lang kasi sa amin kaya hindi pwede ang PC talaga. Then after that pumunta na kami kina Rene to watch anime - waa! Mukhang magbabalik ang anime addiction ko nito sa napanood ko - D. Gray Man ang title and ang bilis ng plot at balance ang story, sobrang hooked-up kami na hindi namin namalayan na 8pm na pala at kailangan na namin umuwi. Hmm! Napapaisip tuloy ako na bumili na ng DVD (opo low-tech VCD pa rin ang nasa haus, baka nga sira na iyon) at manghiram kay Rene ng iba pang anime.
Cabal accomplishments. Lv. 70 na Force Archer ko from Lv.66, maxed out support skills and still upgrading Thrusting arrow at A. Master rank, Class Rank and Battle style level-ups. More chats with my guild-mates. Right now pinagiisipan ko nang taasan ang crafting skills para makatipid nang malaki. Got to learn some combos that does additional damage/effects at my current skills right now.
Wish/To buy List. DVD Player and a Laptop (don't know sa specs pa.. pero iniisip ko na).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Gamers' weekend
Post a Comment