puro "He says" na lang palagi ang title, bagong title na naman. Hindi ko lang maiwasan na i-post ang entry na ito, dahil kahit papano naranasan ko rin ito - nung kami pa, nung masaya pa ang buhay, nung may kulay pa ang aking mundo.. hindi tulad ngayon sobrang lamig at kulay abo..
"..Ibang klase ka. Ikaw lang nagpabaliw sa'kin ng ganito. Sa sobrang baliw ko minsa'y hindi mo na nagugustuhan ang pagiging worried ko sa maraming bagay. Noong una'y marami pa akong pag-aalinlangan, mga tanong na gusto kong hanapin ang sagot mula mismo sayo ngunit ako'y bigong malaman ang mga iyon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw ay unti-unti nang nawawala ang mga pangambang iyon. Unti-unti ko na ring nararamdaman na may saysay ang bawat sandaling nailaan ko para sa'yo. Na may malinaw na landas tayong patutunguhan. Isang landas na puno ng mga masasayang alaala na kailanma'y hindi malilimutan.
..Totoo nga ang kasabihang darating ang mga kasagutan sa iyong mga tanong kapag tumigil ka na sa pagtatanong. Ngayo'y mas palagay na 'ko sa'yo. Wala na 'kong pakialam sa hitsura ko, kung bagong gising man ako o hindi naghilamos. Dahil ikaw ang aking minamahal, ikaw ang aking kaibigan, kapatid, karamay sa buhay. Sapagkat kapag kasama kita'y wala na akong dapat itago pa."
-Unsent, Reyn's Reynthology
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Ang Keso
Post a Comment