It's Monday again, bagong simula na naman ng aking buhay. Napawi na ang nakaraan na walang pinagkaiba sa dating kabanata. Hanggang ngayon; I'm still struggling to live a life I want. Kaso me mga tao, pagkakataon o kaganapan na sadyang pumipigil sa iyo para tupadin ang mga goals mo sa buhay. Me mga tao na despite binigay mo ang trust mo at pagmamahal mo sa kanila - still parang kulang pa din sa kanila.
Sinabi ko sa sarili ko hindi na ako aasa pa na may darating pero heto patuloy pa rin ako sa pagpapakatanga sa sarili. Daydreaming of someone na makaka-kumpleto ng aking pagkatao, ang mamahalin ko nang ako, ang handang ibigay ang lahat at ipaglaban ako. Nakakalungkot pero hindi pa rin siya dumadating - kung kelan nagkakaroon na ako ng pag-asa, saka naman pinagkakait sa akin ang pagkakataon na iyon.
Gusto ko magalit at saktan ang sarili ko dahil sa katangahan kong ito pero hindi ko magawa. Gusto ko na mawala pero ayokong gawin sa sarili ko at sa aking paraan. Hindi ko na alam kung ano ang worth ko sa inyo. Hindi ko na alam kung bakit pa ako nabubuhay. Hindi ko maramdaman na may nagmamahal sa akin. Parang isang malaking kalokohan lang ang makipagsalamuha sa ibang tao na alam mo namang nagbabago sila kasimbilis ng kisapmata.
Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa darating na mga araw. I feel worthless, betrayed and alone right now. Hope i have enough diversion and coping mechanism to get me though. Ang hirap pala ng ganito - akala ko everything goes smoothly at makakabangon na ako, pero natisod ulit ako at muling nadapa. Tanga-tanga ko talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I hate Mondays.
Pero kailangan kong tiisin ang mga Monday dahil kung hindi matatapos ang Monday, walang Tuesday, ang favorite day ko of the week dahil I get to go to Timezone.
Anonymous
November 24, 2008 at 7:07 PMsabi na eh. saang timezone ba yan at mapuntahan rin. bakit kasi hindi mo pa tapatin siya.
Jinjiruks
November 24, 2008 at 7:28 PMLol. Don't get me wrong. Masaya lang ako kapag nasa Timezone ako dahil maingay. I find solace in that chaos.
Bonus na lang kung sino man yung andun. Haha.
Anonymous
November 24, 2008 at 8:04 PMay ganun. sa maingay ka pa natatahimik. ayaw mo ba sa mountains or any place na you can be one with nature. ^^;
Jinjiruks
November 25, 2008 at 8:21 AM