After a week of depression and makupad na service ng Kentucky (Kupad) Fried Chicken sa may Ayala-MRT kaninang umaga lang, akala ko tuloy-tuloy na ito hanggang mamaya sa work pero hindi pala. As usual updates na naman ako sa blogs and other message boards na pinupuntahan ko. Then bloghopping i've just stumbled upon the blog of Aris - nagbasa-basa ulit ng mga entries niya ang ayun nakakita na naman ng cheesy/mushy and can't-believe-that-it's-happening thing. Na inspired na naman ako kasi akala ko hindi na nag-eexist mga ganitong scenario and sa pang umaga pantasya na lang na kagaya ng ginagawa ko napupunta ito.
May mga ganito pang eksena eh..
“Do you like me?” Sumagot kaagad ako. “Yes, I like you.” Iyon ang totoo. Hindi ko inaasahan ang sumunod na tanong mo. “Will you be my boyfriend?” Natigilan ako. “Are you serious?” ang tanong ko. “Yeah,” ang sagot mo. “Gusto rin kita. Kailangan pa ba nating patagalin? I don’t believe in courtship.” "Uhmm, ok. Sure,” ang sagot ko. “So, mula ngayon, tayo na?” ang pag-confirm mo.“Oo.”
Pasensya na kung mukhang common or corny sa inyo mga ganitong scene pero pakialam nyo eh blog ko ito kung may reklamo kayo gumawa kayo ng blog nyo *joke*. Ang asim hehe. Kaka-inlove lalo nung nabasa ko ang whole entry parang fairy tale lang na nababasa. I know exagerrated ako mag-kwento pero masaya lang talaga ako ngayon and patuloy pa ring umaasa na alam mo na kahit ganito lang ako makakahanap pa rin ako na magmamahal din sa akin.
Na kagaya nga ng sabi ni Aris..
“Basta yung makakasundo ko… Yung makakaintindi sa trabaho ko… Mature… Sweet… Hindi matampuhin…”
Pero kung sakali ako ang gagawa ng unang move, hanggat maari ayoko mangyari sa akin ang ganito pero anung magagawa ko kung nasa harapan ko na ganitong situation, feeling of rejection..
“I am in love with you.” “W-what?” Nagulat siya. “All these time alam ko na alam mo kung ano ako. I’m sorry, I can’t help it. You have been so good to me. I just realized na mahal na kita.” “I am risking everything by telling you this, “ ang sabi ko. “Alam ko na maaari kang magalit sa akin. Maaaring masira ang ating friendship. But I have to be honest dahil hindi ko na kaya.” Nagpatuloy ako. “Ang hirap na araw-araw, nakikita kita at nakakasama. When you do good things to me or when you simply smile at me, lalo akong nahihirapan dahil lalo kitang minamahal. You have no idea how hard it is for me… loving you more each day and just keeping it to myself.” Katahimikan uli. “We’re best friends, Aris,” ang sabi ni MF pagkaraan. “Walang ibang kahulugan ang pagiging close natin.” “Aris, I am sorry…” ang sabi sa mahinang tinig. At siya'y umalis.
Sige hanggang sa muli, bukas walang pasok dahil US holiday, marami akong dapat asikasuhin mula umaga hanggang hapon kaya hindi ko alam kung makakapaglaro ba ako ng online game bukas. Naiisip ko pa rin ang year-end performance review sa akin kagabi and it will serve as a motivating factor to continue exceeding expectation from my superiors. Planning to improve my communication skills further and gusto ko na rin matutuo ng Niponggo. ^^;
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Title pa lang, napa buti-ka-pa-inspired-ako-hindi na ako. Haha.
:)
At paano mo nalamang gusto ko magtrabaho sa Timezone? Obvious ba? Haha
Anonymous
November 26, 2008 at 10:14 AMkanina un zwei, ngayon nde na. hehe. moody talaga ako.
timezone was just a joke. did'nt know na seious ka pala.
Jinjiruks
November 26, 2008 at 1:23 PMoy jeff. palitan mo naman colorng blog mo. masakit sa mata at nakakaduling.. try mo basahin lalo na pag mahaba... ginagawa ko kase pinepaste ko sa notepad e. peace :-D
Raniel L
November 26, 2008 at 1:29 PMmagsalamin ka kasi. amp. nde ko na nga alam anung blog layout ang ilalagay ko. wag mo na paste sa notepad. amp parang kodigo.
Jinjiruks
November 26, 2008 at 3:42 PMHehe. Target ko by January, makapagsimula na ako hopefully sa Timezone sa Gateway. Yay.
Anonymous
November 26, 2008 at 7:17 PMhehe. basta galingan mo sa interview. ^^;
Jinjiruks
November 26, 2008 at 7:37 PMhello jinjiruks! ay, na-flatter naman ako dito. it is an honor na ma-feature ako sa blog mo. happy ako na nae-enjoy mo ang mga kwento ng buhay ko. salamat. :)
Aris
November 26, 2008 at 9:00 PMhehe ako po dapat ang mag thank you sau aris kasi binigyan mo ako ng inspiration.
Jinjiruks
November 27, 2008 at 8:33 AM