"..Gusto ko lang sana eh maipamalas ko ang Elias na matagal nang nabubukbok sa regular na pagtatanghal bilang isang payaso ang walang ibang alam kundi ang magpawala ng isang kalapati sa isang iglap, magpaikot-ikot sa mga kwento ng buhay at magpakita sa lahat ng isang masayang mukha, na sa likod naman nuon ay isang inaamag na pagkatao na pilit gustong lumabas sa nakasanayan.
Gusto kong lumipad. Maging ang taong gustong kong maging. Mangarap. Umalis sa ultra-konserbatibong lipunang ang totoo'y isang pangkat ng mga oportunistang liberal. Mamuno ng hindi pinipigilan, maglingkod ng hindi nagmumukang mayabang, lumaki ng may sariling panindigan, maging ako sa sarili kong pananaw. Makipagkaibigan ng hindi plastik, matanggap kung ano ang tunay na ako at hindi ang gusto kong maging ako. Palipasin ang mga taon ng tinutupad ang sariling pangarap, maglakbay ng hindi pinipigilan, umiyak kapag natatalisod, humagulgol ng malakas kung kinakailangan, mabuhay sa isang uri ng mundong gusto kong baguhin maski imposible at matanggap kahit ilang ulit nang lumalabag. Pangarap kong maging ako sa sarili ko."
-Sa Likod ng Payaso, Elias' Ang mga Lihim ni Hudas
***
waaa.. bakit ka ganyan!? bakit nakikita ko ang sarili ko sa iyo?! bakit nakaka-relate ako sa nararamdaman mo?! Mga bagay na kinikimkim na lang sa sarili at hindi alam kung hanggang kailan makakayanan. Mga sakit ng kaluluwa na hindi batid ng iba na tinatago sa mapalinlang na ngiti..
"Little number of people know my private pains. Most do not know the personal struggles I have. I'm the kind of person that seldom speaks about what troubles me, what makes my heart heavy. Most see always the smile in my face. The foolish smile which tries to conceal the most crushing things in my head. No one yet saw the wild seas within me. My outmost pains. Sometimes I feel like I am alone in my journey. No one sees the weary heart of mine. Just me and the hypocrisy I have. Akala ko I'm so open to the things others must know. Di pala."
-Private Pains, Elias' Ang mga Lihim ni Hudas
tama ka... hinahangaan ko rin si Elyas sa mga sulatin niya.. minsan ko ring naicomment sa kanya namarami kaming pagkakapareho.. o siguro marami tlagang nakakarelate sa kanya.. yun nga lang, mas naipapaliwanag niya ng maayos sa sa sarili niyang paraan..
nung binabasa ko yung mga kinowt mo, para akong bumabasa ng isang libro...
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Dear Hiraya
November 14, 2008 at 11:46 AMhonga eh. saludo ako sa batang yan. talentado talaga. sana makilala ko pa siya nang lubusan.
Jinjiruks
November 14, 2008 at 1:39 PM