Salamat sa walang tigil na pag-ulan at hindi na naman ako nakapag-jogging this weekend. Medyo nararamdaman ko na parang magkakasakit ata ako sa puso nito dahil sa sedentary lifestyle ko. Kahit pa siguro gawin ko ito wala namang nangyayari sa akin - mag oatmeal kaya ako. Parang lumulutang ang isip ko minsan - iniisip mga bagay bagay na pinapalampas ko na lang at nasasayang. Pero hindi ko naman alam kung papano simulan at gawin. May mga bagay na palagi kong iniisip na lang palagi (daydreams), alam mo na - what if kung naging kami ni ganito, ni ganyan - ang saya ko siguro.
Pero pagdilat ng mata sabay na rin sa katotohanan na ito'y mistulang pantasya lamang at malabong mangyari kahit pa subukan kong gawin. Nahihirapan na ako sa setup ng buhay ko ngayon. Parang wala akong kalayaang lumigaya - you are what you do sabi nila - pero paano ko magagawa iyon kung maraming mga hadlang sa aking mithiin. Parang sa bawat isang hakbang ko - tinutulak ako nang doble o triple pa nga pabalik. Walang katapusang problema na dumarating, nauubos na ang coping resources ko. Maski ang paglalaro ng video/online games as a divertion, hindi na rin kaya punan mga dinaranas ko. Mabuti na lang at kahit papano andyan ang mga kaibigan ko na shock absorber kahit hindi nila batid sa mga hinaing ko. Gumagaan ang pakiramdam ko pag nakikita ko silang masaya at nagtatawanan kasama ako.
Iba na talaga ang panahon, masyado nang mabangis ang mundong ginagalawan natin - na sa isang saglit bigla ka nalang sasakmalin nito nang hindi mo namamalayan. Unti-unting nilulunod ko sa kumunoy ng desperasyon at walang katiyakan. Ang mga tao na inaasahan mong tutulong sa iyo ay siya pang dahilan ng iyong pagdapa sa mga hamon ng buhay. Artipisyal na lang ang kasiyahan at panandalian mo lang makakamtam - kapalit ng walang hanggang kalungkutan. Halo-halo ang umiikot sa isip ko ngayon - ilang taon na akong single at hindi pa rin ako makahanap nang para sa akin. Mapili ba talaga ako at pilit kong hinahanap ang perpektong tao na siyang pupuno sa aking pagkukulang? Bakit hirap akong makisalamuha sa iba, bakit hirap akong buksan ang aking puso? Natatakot ba akong masaktan muli? Ano nga ba ang dahilan kung bakit nandito ako sa mundo? Ano ang silbi ko sa mundo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hmm I've red your posts..hehehe... mostly i mean..
mas ok ata eh ganito ---the emo side of jin-- instead of Teh other side of Jin..lol
*trying hard magpatawa.. corny nman*
PeArL_cUtE
November 11, 2008 at 2:06 AMsalamat sa pagdaan pearl. add npo kita ulit sa links. honga eh binigyan mo ako ng idea. pero nde naman kasi lahat emo post minsan lang talaga me mga panahon na ganun.
Jinjiruks
November 11, 2008 at 8:47 AMrelax lang jinjiruks. siguro importante na ilatag mo ang mga bagay na hinahanap mo sa isang babae. tapos isipin mo kung saan dito ang kailangan na meron sya at kung alin dito ang ok lang pag wala sya nun. siguro maging mas sociable ka na rin para mas marami ang makikilala mo.
escape
November 11, 2008 at 2:19 PMthanks sa comment dong. hehe. anti social na ata ako talaga. ewan ko kung magbabago pa ako.
Jinjiruks
November 12, 2008 at 8:57 AM