Medyo normal na sana ang araw na ito eh. Nakaka-peste lang talaga nang malaman ko na tumapon ang facial wash sa bag ko dahil siguro sa ipitan sa MRT kanina lang. Asar na asar ako dahil pati ang pang kris kringle ko nadamay rin along with my toothpaste/brush. Pagpasok mo sa CR sa office - jampack naman, tapos andun pa ang mga Banyo King sa tagal mag stay at manalamin sa loob ng ilang minuto. Hindi tuloy ako nakapaglinis nang maayos at inantay pa silang lumabas. Pabalik-balik ako sa CR kakukuha ng tissue. Moral Lesson - wag hayaan maipit ang bag sa MRT at itaas ito pag talaga sobrang sikip na.
Si prospect mukhang wala na akong pag-asa talaga. Kung bakit pa kasi sinabi ko ang idea na mag Friendster siya - ayan gumawa ng account puro guys ang laman at wala pang 2-3 days ata ang account niya. Hindi pa naman kami nagkikita nang personal dahil nasa ibang bansa siya. Minsan na lang siya tumawag sa akin at kagabi hindi ko pa nasagot dahil nakalagay sa bag ko ang cellphone that time. Malay ko ba sa mga "new friends" niya tumatawag na siya. Ano naman ang laban ko sa mga goodlooking at nice body guys na na-add niya. Bukod sa mataba eh panot at panget pa ako. Kaya naman naka-mindset na ako na huwag nang umasa at assume dahil in the end ako rin ang mahihirapan at masasaktan.
Bahala na siguro - malamang ito yung mga sasabihin ko sa kanya once na nagkausap kami ulit. Hay buhay - bakit ganito lagi na lang akong pinaparusahan sa Taas, ganun na ba kabigat ang mga kasalanan ko at kulang pa ba mga pasakit na binibigay niya sa akin. Mas mabuti pang wakasan na lang niya buhay ko kesa ganitong mababaliw na ako sa mga dagok na dumarating sa buhay ko. Maski isipin ang sarili ko hindi ko na magawa, puro ibang tao na lang ang iniintindi ko. Papano naman ako. Hanggang kailan akong ganito? Kailan naman nila iisipin kapakanan ko? Pag patay na ako? Ewan. Mahirap magpakatao sa mundong ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sabi ko nga sayo eh, never naman naging fair ang life. Nakakaleche na kasi pati mga maliliit na bagay, pinagtataksilan na tayo.
Try mo na lang din palang sampalin sarili mo. Odiba, may ganung drama.
Anonymous
November 19, 2008 at 7:09 PMhaha. ayoko gusto ko ibang tao ang sasampal or suntok sa akin para matauhan ako. ikaw na lang kaya hehe!
Jinjiruks
November 19, 2008 at 10:09 PM