Friday.Nov 28 Early shift kami (6am-2pm), mga 3pm na kami nakababa sa office. Pero Filipino time nga naman - past 4pm na kami nakaalis from Makati. Gusto ko nga sana yung team lang ang andun kaso nga me mga extra baggage na nagpadagdag sa sikip. What to expect from the team kundi sobrang ingay sa loob ng van - excited and OA talaga at nakakahiya kay kuya driver. Takipsilim na halos nang makadaan sa NLEX - kakainis maganda pa naman ang scenery kaso ayun madilim na.
Yung iba idlip mode na pero yung iba kasama na ako ayun nakatingin pa rin sa labas. Alam nyo na po ang inyong lingkod nag-senti na naman sa usual topic na naman. Hindi nga nila napansin na medyo napaiyak ako pero hindi naman ganun kahalata - kunwari medyo inaantok lang. Sobrang traffic sa Tarlac area (kakabukas lang ata ng SM City Rosales at sinabayan pa ng dahil Friday eh marami ang nagsisiuwian), kakainis dahil hindi ako komportable sa upuan ko dahil nasa dulo ako at hindi maayos ang pwet ko sa upuan. Mga 10pm (saktong 5hrs) na kami nakarating sa haus nina Ate Anna at naligaw pa nga kami dahil walang mga street ang area nila - sobrang pagod bagsak agad kami sa higaan after maglinis ng katawan.
Saturday.Nov 29 Mga 4am na ako nagising, hindi na ako nakasama pa sa pagpunta sa palengke nina Angie at Ricky - baka kasi hindi na kami dumaan dun at maagang bumili ng pasalubong. Buti na lang at 2 ang banyo nina Ate Anna kaya hindi medyo matagal ang paghihintay. Kakainis kulang ang shirt na dala ko kaya yung susuotin kong shirt for the whole day na iyon. 6am nagpunta kami sa dalampasigan at picture nang kaunti kasama na ang jogging kuno. Hehe!
Waaa first time ko makita ang dagat - pero nde naman ganun ka-excited - maraming tao na sa lugar na iyon at yung iba naliligo na. Me ibang mga pasadyang gawin na bato dun na hugis jackstone. Maraming alimasag pero pag lalapitan mo - nakatago na bago ka pa makalapit sa kanila. Malakas ang alon at mukhang medyo malalim na pag lumayo ka pa. Sandali lang kami dun dahil maghahanda pa ng pagkain at ilang mga bagay bago pumunta sa resort. Mga 10am na nakapunta sa resort - nagpaiwan kami ng iba para tapusin lang ang ibang niluluto. 11pm na kami nakahabol and naliligo na iba - i forgot the name of the resort pero parang Leisure Park or sumthin. Kaunti lang ang tao dun at mukhang exclusive kasi (ang mahal pa ng entrance bweset Php 175/head) - err puro bata naman ang nakita ko dun at walang makikitang prospect. Maganda ang area - attraction ata nila ang mataas na slide at ang wave pool pero malas ata kami kasi ilang beses dingh nag brownout sa area.
4pm na kami nakauwi after ilang hours na magbabad sa tubig, pa-picture, sight-seeing sa mga korean. After that ilang minutes of rest - nagpunta na kami sa beach nearby para mag-overnight. Iba kasi ang inaasahan namin sa area akala naman malawak ang area kaso crowded na rin at maliit lang ang space para dun sa pampang at may mga batong nakaharang pati na mga sandbags pero Ok na rin. Kaunting picture sa sunset - at eto ako yung ibang kuha ko medyo nakatalikod at emote nang kaunti. Then nag-"team building" na kami thru games.. kasama na dun ang patintero, hephep-hurrah atbp.
Habang nagaayos na sila para sa pagkain - naglakad-lakad muna ako sa kahabaan ng dalampasigan - eto na yung napapanood mo sa mga palabas na toto-senti na talaga, naglalakad naka-paa lang, hawak ang tsineles - nakatingin sa malayo at sa pag-hampas ng alon sa dagat. Ilang minuto rin ang tinagal nun. Ayoko kasi muna sumama sa kanila dahil alam kong OP lang ako sa mga sweet moments ng mag-asawa at syota pati na rin ang inuman nila habang kantahan. I have to be honest na medyo hindi ako nag-enjoy sa area na iyon - hindi ko alam dahil siguro wala akong nakilala man lang, hindi maganda ang area and maraming tao talaga. Pero Ok lang para sa Team naman ito at hindi personal. Past 9pm na kami nakauwi. And again sa dami ng activities for the day - maski ako na late nang natutulog eh tinablan na rin at tulog na pagdating sa haus.
Sunday. Nov 30 Mga 3am nagising na kami dahil maaga pa ang uwi namin (may pasok na kasi bukas pero naka-leave naman ako for that day), buti at naligo na ang iba at kaunti nlang ang pila sa banyo. Medyo past 4am na nakaalis sa haus nina Ate Anna and salamat nga palasa halos 3 days na pag-stay namin sa lugar. Dumaan kami ng talipapapara bumili ng pasalubong - boneless daing na bangos, danggit atbp. Marami pang natirang shots sa digicam kaya naman maski ang mga ulap, mga hayop at mga palayan kinuhaan ko na rin. Nakakasawa na kasi na puro tao na lang - mga nature shots naman para maiba at refreshing sa paningin. 10am na ako nakarating sa Quezon Ave. (me mga nauna pa sa akin makababa dahil sa North area nga kami at halos lahat sa South), medyo nagbabanta pa ang bagsak ng ulan kaya nagmamadali ako. Hindi na ako nag wave pa ng goodbye sa kanila kasi dami kong bitbit. Salamat nga pala kay Sir Jason for another team building experience. And hoping na maging happy ka just in case lumipat ka na ng ibang function. Well hindi ko na pahahabain pa ito and yung ibang details sa akin na lang. Looking forward for another out-of-town team building again.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
saya nga ng team building na yan. lalo na sa akin na mahilig talaga sa beach. layo ng byinahe nyo.
escape
December 2, 2008 at 11:25 AMkakapagod. dapat sana maiksi pa iyon kaso hindi kabisado ni driver ang way.
Jinjiruks
December 2, 2008 at 5:19 PMHaha. Naiimagine ko yung dalampasigan scene mo, Jin.
Sulat tayo kay Ate Charo, dali!
Anonymous
December 2, 2008 at 8:31 PMlol zwei. gabi po iyon at hindi umaga or hapon. nde naman ako ganun ka-todo emote.
Jinjiruks
December 3, 2008 at 9:57 AM