Masaya lang ako sa mga nangyari kagabi dahil nagkita-kita ulit kaming magkakaklase nung kolehiyo pa ako. Biglang nanariwa ang mga alaala nung mga panahong andun pa kami sa eskwelahan. Ang SM na naging recess area namin. Ang mezzanine na tambayan namin pag nag-aantay ng shift. Tawanan. Kwentuhan. Lokohan. Sayang nga lang at hindi nakapunta ang 2 sa mga kolokoy sa grupo namin dahil pareho silang may pananagutan sa relihiyong kanilang kinaaniban. Sana sa susunod na taon (sa buwan ng Abril) makasama sila sa Summer get together naman ni Cha-cha (classmate namin mula Dubai).
Kahapon mga 1.30pm na ako nakarating sa SM. As usual and expected ako ang maaga kahit ang usapan eh 1pm (pinoy nga naman), then si Arnold nakita ko na lang na umaaligid, then si Nerissa dumating mga 1.55pm, si Lester mga 2pm, Angelo at 2.10pm, habang sina Charlene, Raniel at asawa niya mga 2.30pm na nakarating. Si Dhez nangako na sasama pero hindi man lang nag-text. Umaasa pa naman ako na darating siya dahil bukod sa mga kolokoy eh siya ang muse ng grupo. Mga 2.45pm na kami nakaalis dahil bumili pa ako ng pang exchange gift kasama si Lester sa may National. Wala kasi akong dala that time bukod sa digicam na low-batt naman kaasar talaga.
Medyo makulimlim at nagbabadya ang ulan pero tumuloy pa rin kami. Buti na lang at may dalang car sina Raniel at Arnold kaya mabilis kaming nakapunta kina Tere na nag-aantay na sa amin sa bahay nila sa may Novaliches (na malapit na sa Valenzuela - ang layo). Ayun naghanda na kami at nag-ihaw ng isda, mga kakanin at iba pang ulam. Nakakahiya nga at ako lang hindi nakapagdala sa amin ng desert, ang mahal kasi ng prutas dun malapit sa kanila. Hayaan mo na may saging naman kina Tere. Nakakainis nga dahil akala ko talaga puno pa ang battery nung sa digicam pero paggamit ko na eh naging 1 bar na lang at nagbabadya na empty batt na siya. Kaya kay Nerissa na lang ginamit namin most of the time. Buti naman at uupload niya iyon within this week.
Mga update sa kanila..
Nerissa, Teresa - as usual wala pa ring bago sa kanila. Dun pa rin sa dating work sila doing the same thing. Ewan ko kung may lovelife mga iyon kasi ayaw naman nila pagusapan. Halos pare-pareho lang kaming breadwinner sa family namin.
Arnold - what's new kay Bro, ayun kagaya ko pareho na kaming mukhang cancer patient - wala lang manipis na lalo ang hair niya compared sa akin. Kaya nga nagpa-picture kami na magkatabi eh. Brothers in distress.
Angelo/Charlene - June na ang kasal nila, walang nagbago - pang-asar pa rin sa Charlene while in contrast naman si Angelo, hindi natanong kung buntis na ba kaya magpapakasal. Hehe. Balak ni Angelo magbukas ng computer shop syempre todo support ako dun dahil matagal na niyang plano iyon along with my berks.
Raniel - hindi ko alam name ng asawa niya, sorry talaga. Pero Ok naman ang wife niya at nakikipag-biruan pa sa amin. July na ang kasal nila - paano ba ito ninong ako sa 2 kasal nga mga ito. This is my first time. Hindi ko nga alam kung anu ireregalo sa kanila. Buntis na asawa ni Raniel at sa March na manganganak. Oi Raniel - ung cellphone ah reserve na sa akin. Next month ko bibilhin iyan.
Lester - ang big surprise this reunion. Madaming nagulat at nagbago sa kanya ngayon. Isa na ako dun. Dati kasi bad boy effect siya sa school. Ngayon super bait na siya at akala mo seminarista. Nagulat nga ako at hindi pala siya umiinom kagaya ko. Pero wala sa itsura niya kasi eh. Mas gwapo na siya sa akin. Amp! Nakakahiya lumapit sa kanya. Pero nakakalungkot din kasi mga ilang taon na lang eh aalis na rin siya to migrate sa US kasama ng kanyang family dun. Kaya nga sinusulit na namin ang natitirang taon niya dito kaya asahan na gigimik kahit strolling pa. Makasama lang namin siya.
Mga 8pm na kami nakauwi. Salamat nga pala bro Arnold sa paghatid sa amin sa sakayan. Kahit ganyan ka, mahal ka namin dahil isa ka sa mga component ng grupo. Salamat rin sa mga dumating at nagbigay ng kanilang panahon, oras at pagod para maidaos ang isa na namang reunion na isa sa pinakamalahagang event ng aking buhay. Kita-kits nalang po sa April para sa summer get together. Amen.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
akosiyol. ikaw?
xxx
December 22, 2008 at 6:21 PMI also had my reunion but with my high-school friends... and all we seen to do is look back on the good times. :D
Johnjan
December 22, 2008 at 6:45 PM@yol
musta titser yol, salamat at napadaan ka sa aking munting blog
@johnjan
yeah, sarap sariwain ng nakaraan, welcome po ulit sa blog ko
Jinjiruks
December 22, 2008 at 7:24 PM