Saturday. December 13 Akala ko late na kaming makakapunta sa year-end party, kasi ba naman anung oras na ako nakarating kina Garry (sabay kasi kami pupunta). Dahil sa traffic at hindi ko na-estimate ang oras. Nag-taxi na lang kami para mapabilis kami. Mga 8pm andun na kami. Marami na ring tao. Since glam rock ang theme expect na maraming naka-itim. Ayun kain, pa-picture sa tabi-tabi. Hindi naman ako umiinom kaya hinayaan ko nlang sila. Hmp. Hindi naman ako nanalo kahit isa man lang sa raffle. Malas talaga ako pagdating diyan. Dapat sana hindi na lang ako nagpunta. Gumastos pa ako. Hehe!
Sunday. December 14 Naglaro lang nung umaga, amp ang shop na malapit sa amin laging nag-exit ang client ng Cabal. Hindi na talaga ako maglalaro dun. Umuwi nang tanghali. Medyo naka-idlip. 3pm na ako nagising. Nagmamadali kasi magkikita kami ni JS (considered as a date). Traffic pag hapon kaya medyo natagalan ako. Nakakahiya sa kanya kasi kaninang 4pm pa pala siya eh almost 5pm na ako nakapunta. Natatawa lang ako kasi hawig niya ang high school classmate ko pag naka-sideview. Since madaming tao sa SM lumipat na kami sa Robinsons. Medyo matao din kaso sa bandang ibaba lang. Kumain sandali sa fastfood. Then watch na movie yung "Quarantine".
Nagtataka nga kami bakit kami lang ang tao sa sinehan. Hehe! Umandar na naman pilyo kong utak, hmm.. walang tao - pero nakakatakot din kasi baka may pumasok. Ayun.. kaunting alam mo na. Indie ang film ang galaw pa ng camera, pero tension building din kaya nakaka-excite panoorin. Lalo tuloy akong napapayakap sa kanya at hawak sa kamay dahil sa suspense. Hehe! 8pm na natapos ang palabas. Dumaan lang sa Department store para tumingin ng eyeglass, then electric shaver. Wala lang trip lang.
Then bago umuwi nagtanungan kami "Ano na.. Tayo na ba?" then we both answered "Yes" and so it's official. "In a relationship" na si Jinji. ^^; Natatakot lang ako kasi na baka hindi ko mabigay sa kanya ang binibigay niyang attention and caring sa akin. Hindi ko alam pero were testing the waters right now. I hope ma-clear na ang mga doubts sa aking isip pagdaan ng mga araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ayan naman pala eh. :)
Sabi ng Theology 131 professor ko:
Commitments should never begin a relationship. A commitment is not the foundation, but rather the expression of a relationship.
Gets mo ba yan? Ako hindi masyado :|
Yari ako sa orals nito lols
Anonymous
December 15, 2008 at 7:31 PMna gets ko ung sinasabi niya. ewan ko. it's still to early to tell. ^^; parang expression nga lang talaga siya ng relationship at hindi dapat maging sole reason for a relationship.
Jinjiruks
December 16, 2008 at 12:49 PMyan, go jin! yan naman pala.
kha9xi
December 17, 2008 at 11:09 AMtuwa ka naman. hindi ka makakaligtas sa akin. alam mo kung ano nararamdaman ko. at hindi magbabago iyon.
Jinjiruks
December 18, 2008 at 11:25 PMwow.. goodluck sa bagong career hahaha
Anonymous
December 25, 2008 at 10:33 AMerr ken wala npo kami matagal na.
Jinjiruks
January 1, 2009 at 2:11 PM