Masaya ang buhay Border
Sa umaga pa lang paggising mo. Wala kang maabutang nakahanda man lang na pagkain. Magtitimpla lang ng kape, maliligo, magbibihis then aalis na ng bahay. Ilang oras na biyahe papauwi. Pagdating mo sa bahay - wala ka ring madadatnan na nakahain na pagkain. Sasabihin sa iyo maghain ka na lang diyan at magbukas ng de-lata. Tapos sa tindahan pag kukuha ka ng pagkain dun o inumin -magbabayad ka pa kahit sa iyo naman galing ang pinangbili. Pag oras na ng "renta" mo sa bahay - umagang-umaga palang eh gigisingin ka na ng mga "paglalambing" nila na - bayad sa tubig, kuryente at iba pang mga gastos sa bahay. Ganyan ang aking buhay dorm sa aming sariling bahay. Saya noh!
by
Jinjiruks
December 18, 2008
10:20 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hehehe... true.
escape
December 18, 2008 at 5:51 PMnaranasan mo na ba mga ito?
Jinjiruks
December 18, 2008 at 7:13 PMbuti ka pa nga buhay border... ako nga parang atm o kaya cash register tingin sakin ng pamilya ko... hehe... kaching! kaching!
petski
December 19, 2008 at 10:25 AMpareho lang iyon. ganun din naman ako sa kanila.
Jinjiruks
December 20, 2008 at 8:58 AM