Reunion mamaya

Kahapon Cabal Online for 10 hours, puro mga LID (Lake in the Dusk) quest kaya nakakaantok nung tumagal. Wala lang kung bakit kasi 20x mong papatayin ang kalaban na iyon at 20 map parts din gagamitin mo, plus 5 quest lang ang pwede ipasok eh andami pa kayang tambak na quest bale lumalabas baka mga 60 map parts ang magastos ko bago matapos ang LID quest. Hayz kabisado ko na nga ang lugar at ang completion time na lang ang kinukumpara ko (mga 30mins more or less). Sana matapos na ito para wala na akong isipin kundi ang Ruina station.

Mga alas-2 na ako nakatulog dahil pinanood ko pa kagabi nang kaunti ang "Saw series" sabi ng kapatid ko magkakarugtong daw iyon kaya wala akong pwedeng skip kundi magsimula sa unang saw. Hmm. Medyo Ok naman na parang mala-CSI/suspense ang theme ng palabas. Akala ko kasi na parang typical na American bloody and gore ang film, iyon pala eh may sense naman pala. Bigla ko tuloy naalala ang Scary Movie 4 kung saan na feature ang movie na iyon sa spoof nila. Nagtataka lang ako bakit kaya wala sina Fred Krueger at Jason sa mga sequels nila. Tinapos ko rin ang unang Nightmare on Elm street, wala lang. Natatangahan lang ako kay Krueger kasi alam mo na. Basta ganun. Habang inaantay sa pag-upload ang mga natitirang year-end pics sa GlamRock party ng Chase, binisita ko ang mahigit 60+ na blog links ko at binati sila ng Advance Merry Christmas. Nakakapagod pala pag binisita mo ang lahat, kulang ang isang oras sa pagtingin palang ng mga blog nila.

Kagabi usap kami ni JS, iyon nga lang paputol-putol siya pero umabot ng mga 3 hours ang usapan. Buti nga at walang tao sa taas kaya nakapag-usap kami sa phone nang tuloy-tuloy. Halo-halo lang pinag-usapan. Naputol lang ang usapan namin nung na lowbat na ang wireless phone. Mamaya na ang college reunion ng batch namin sa AMA-Fairview. Kaso hindi kami ganun karami dahil ang iba eh nasa ibang bansa na or may mas importanteng gagawin pero Ok lang. Annual na kasi itong ginagawa namin for 4 years na. Wala lang - kain lang, usap, exchange gift, videoke pag meron. Then uwi na. Ganun lang - wala nang iba pang abubot. Mahala magkita once a year para pagusapn kung anu na ang balita sa buhay. Next year na lang ang reunion ng mga Oso dahil medyo alanganin at nasa probinsya ang iba.

4 Reaction(s) :: Reunion mamaya

  1. hello there. mahaba holiday season kaya now is the best time to catch-up with movies and series we want to watch like "saw". anyways, just droppin by here to greet you happy holidays.

  2. favorite ko yang saw na series. nung nasa bahay kami nina lawstude pinanood ko ulit pero hindi na namin tinapos kasi maaga pa yung byahe namin nung sumunod na araw. hindi ko pa napapanood ang part five.

  3. Buti ka pa, nakikita mo pa college classmates mo. Kakainggit!!!

    Saw lang ata yung scary movie series na hindi ko pa napapanuod. Yung una lang, di ko pa natapos.

    Anyway, happy holidays!!!

  4. @lawstude/ dong ho
    welcome po sa aking munting blog. hmm. nde ko alam kung panonooring ko yung saw na series kasi hindi talaga sa akin click mga american horror na bloody masyado parang nakakasawa na minsan pero dahil nga sa may substance ang story mukhang interesante ngang panoorin yung palabas.

    @gillboard
    annual naming ginagawa ito para may bonding parin kahit may sariling pamilya na ang iba or umalis na sa bansa sila. mas ok kaw na mag organize para next year masaya at magkakasama kayo.