Brrr

Ang lamig-lamig kaninang umaga. Kakaiba siya kesa sa ibang umaga. Pero hindi na ako nagrereklamo dahil alam kong pagdating ng March onwards eh mabwi-bwiset na ako sa sobrang init naman ngayon. Di bale nang magyelo kesa masunog sa init. Parang baboy na tinutusta ako nito kung sakali. Kasalanan naman natin kung bakit abnormal ang weather system natin, epekto na rin ng global warming sa sama-samang mga polusyon na ginagawa ng tao.

Syempre tuwa na naman ako kanina kasi malamig kahit medyo pasado 8am na at makulimlim pa. Pinaka-fave kong gray skies nakikita ko na naman. Hindi na naman ako pinapawisan nito kaya ayos-ayos ang hair natin. Pag ganitong panahon medyo senti-senti mode na naman po ang inyong lingkod. Gaya nga ng quote sa previous entry ko. Hehe. Natural na siguro sa akin ganitong pakiramdam lalo na't up to now single pa rin ako. Huhu!

Medyo kinilig ako sa entry ni Mugenski, wala lang hehe! Paano kasi naging bridge siya through YM sa dalawang lovebirds. Ahehe. Lalo na ang usapan nila. Wala lang mahal pala nila isa't-isa, hindi lang ma-expressed kasi may doubts kung mahal rin ba sya ng kabilang party. Until Mugen came and bridged the gap between them. Hindi ko masyado kilala personally ang dalawa since hindi naman ako nagpunta sa recent GEB ng group nila. Hopefully sa susunod makasama na ako. Hmm.. Parang gusto ko magbulong kay Kuya Joms sa isa kong crush sa forum na iyon. ^^; Inspired na naman ako magtrabaho kanina. Kaya ayon natapos ko naman in the nick of time yung trabaho ko.

6 Reaction(s) :: Brrr

  1. Phanksmaster

    Bulong mo sa akin ang crush mo sa PEx. Hehehe.

  2. Ahehe. Sa PEX na lang mugenski. pero hula ko hindi siya interesado eh. hindi naman ako umaasa.

  3. Ayos ang cold weather. Walang problema sa basang kili-kili. Hahaha

  4. haha. hindi naman ganun ako. kaw talaga. pawisin lang ako talaga pero sa noo.

  5. mabuti pa sa Pinas malamig.. dito sa amin sooobrang init! baho pa ng mga tao. LOL

  6. haha. ganun eh dapat malamig dyan ah. sabagay malapit sa equator. ok lang yun. mabango at pugeh ka nanman eh.