Home
As usual bored to death na naman pag nasa bahay ka lang. Kaya naman hindi talaga ako nagpipirmi sa bahay dahil walang interesanteng gawin dun. Walang ginawa mga tao dun kundi manood ng TV and other sedentary activities. Maganda siguro lumabas labas naman paminsan-minsan kaso gabi na rin nakakauwi si Papa. Isa pang kinaiinisan ko eh nasasagad talaga ang pera ko lalo na't may okasyon. Hindi naman sa nagdadamot pero personal share ko na lang iyon sa sahod ko napupunta pa sa kanila. Hindi naman kailangan maghanda nung Bagong Taon na ganung karami pero sige ayun pa rin sila. Yan ang sakit na dapat nang mawala sa mga Pinoy.
Maging praktikal na dapat sa panahon ngayon. Isa pa itong si Papa may tampo pang nalalaman na nde raw ako nagbigay ng alak sa kanya. Eh hindi na nga ako magkandaugaga sa mga gastos sa bahay at sa pag-aaral ng ibang kapatid eh ako pa ang dapat gumawa nun. Parang Central Bank lang labas ko nito na anytime may pera kapag humihiling sila. Ewan naasar na ako sa bahay kaya hindi ako pumipirmi dun talaga dahil tiyak mabubutas na naman ang pera mo sa "extra-curricular" activities na hindi naman kasama sa budget.
Work
Wala naman masyadong isyu sa workarea pero kagaya pa rin ng dati, wala pa rin nagbago sa kanilang pag-uugali. Regarding sa task, dinagdagan na naman ako ni Sir Jason pero Ok lang - parang training na rin siguro sa akin ito just in case within this year eh aspiring for another step at the corporate ladder. Right now kelangan makapag-enroll na ako sa speech communication school para ma-enhance pa lalo ang aking English skills dahil ito lang naman ang kailangan namin (kasi technical know-how sa function give na iyon). Gusto ko na nga maglipatan ng seats dahil nagsasawa na ako sa katabi ko.
I mean ayokong lumipat gusto ko siya ang lumipat dahil gusto rin naman niya. Isa sa mga resolution ko this year eh ang magkibit-balikat na lang sa araw-araw na pambubuska nila sa akin. Alama niyo naman ang inyong lingkod parang artista sa team nila. Hindi natatapos ang isang araw na hindi man lang ako napag-uusapan. Kaya siguro hindi ko na lang muna papansinin mga kababawan nila kagaya ng pagbibigay ko ng advice sa isa kong team-mate na ganun din ang nararanasan. Hindi na rin ako umaasa na may magbabago kahit ilang team building pa ang gawin namin paulit-ulit. Tutal ganun rin naman ang mangyayari. The group is still divided and may kanya-kanyang peer groups na may sari-sariling interest.
Lovelife.
Meron ba ako nito? Mukhang mapaglilipasan na ako ng panahon kakahanap kung nag-eexist ba talaga ang hinahanap ko. I'm still having doubts pa rin kung magiging masaya ba ako just in case maging kami. Hindi ko alam kung mabibigay ko ba ang lahat-lahat pag nakita ko na siya. Magiging masaya ba siya sa piling ko? Anu-ano ang dapat kong gawin para magtagal kami? Makakahanap pa kaya ako nang taong para sa akin? Ang dami-daming tanong pero hindi ko alam kung ano ang isasagot sa mga iyan.
Choosy ba talaga ako (hindi naman gwapo para mamili - kapal nga eh) at mataas ang standard kaya up to now wala pa rin. Ewan ko. Kelangan ko ng psyhologist siguro para analisahin itong utak ko kung ano ba talaga ang problema ko at gusto ko para malinaw na ang lahat. Hindi ko pa talaga kilala ang sarili ko. Kailan ko pa kaya makikilala at matutunang mahalin ang sarili.
Peeps
Nakaka-miss angt mga dating officemate mo kaya pag nakaluwag-luwag ako na ang mag-oorganize ng reunion, sana kayanin ko at tulungan rin nila ako. Hope to find more friends lalo na sa mga forums na pinupuntahan ko. Hindi talaga ako sanay pumunta sa mga GEB pero gusto ko namang makakilala ng bagong mga kaibigan. Ang arte ko talaga potah. Someone please punch me right now para matauhan na ako at hindi pagiinarte lang ginagawa ko sa buhay ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Issues
Post a Comment