Pinagiisipan ko kagabi pa kung magpapalipat ako sa new function na pang-gabi. Trying to weight the pros and cons just in case mang pang-gabi ako. Kasi ang daming factors na dapat consider. Although dagdag nga siya sa salary pero social life mo naman ang apektado at hindi mo alam kung ok ba ang new function na ito. Hayz ewan ko, me inaantay akong mag bagay-bagay bago ako makapag-decide. Me mga bagong function na darating din pero wala pang detalye. Aabangan ko muna ang mag susunod na kabanata.
Eto na naman po ako nag ultra-moody na naman mula kanina. Paano kasi pakiramdam ko no one appreciates and love me. Hindi ko na alam kung tao pa ba ako. Ahehe! Dinadaan ko na lang sa biro pero sa situation ko with ** hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Mabait naman ako at hindi ko siya lolokohin (kagaya ng sinabi niya dati na nadala na daw siya at mas Ok na friends daw muna), on the contrary sarili ko lang ata ang niloloko ko dahil umaasa pa ako na magiging maganda ang relationship namin (as friends sa ngayon).
Hindi ko alam ano ang side niya kasi hindi pa kami personal na naguusap at sa text/phone call lang kami nakakapag communicate at medyo dumadalang na nga eh. Mahirap siya kausapin kasi napapahiya lang ako dahil ako itong umaasa sa kanya pero ewan ko sa kanya kung ano ako sa kanya. Hindi ko alam kung san ako lulugar sa puso niya. Napapagod at nasasaktan na ako. Maski a simple "thank you" masaya na ako. Wala naman akong karapatang magalit at magtampo dahil hindi naman kami. May part na nagsasabi na tigilan ko na ang kahibangan, sa kabilang part naman sabi tiyaga lang intindihin pa siya dahil hindi pa mismo kayo nagkakausap talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i know where you are coming from... tap on your shoulder. kaya yan! smile lang!
wanderingcommuter
January 28, 2009 at 1:11 PM*hugs* jinji.
keep on believing. keep on smiling.
everything's going to be ok. :)
Aris
January 28, 2009 at 1:24 PM@ewik/aris
salamat po sa comment niyo, tunay na nakakagaan ng loob. alam ko naman na nararanasan niyo rin ang sitwasyon ko. sana nga malagpasan ko ito.
Jinjiruks
January 28, 2009 at 5:24 PM