Classmate: Bradley aka The Chowmaster - Nung college palang ako walang nagpapatawa sa akin hanggang sa ubuhin ako at mamula nang todo kundi si Brad. Walang ibang topic kundi si Mam Rubi, nauso pa naman ang "Thong Song" nung mga panahon na iyon. Matanda na po si Mam pero bad talaga kami. Nag-iimagine pa kami na naka ganun siya kasama pa ng ibang golden girls sa school. Pati kung saan pa sila naka-pose. Haha! I really miss those days. Umaabot kami ng ilang oras sa phone na iyon lang pinaguusapan. Sinasabihan na nga ako ni Mama na parang nababaliw na ako kakatawa. I guess hindi na mauulit ang ganung pagkakataon. Nasa US na nga pala siya at hindi ko alam ang kailan ang uwi niya. Chowmaster tawag namin sa kanya dahil pag nag-trip iyon nang salat sa nipples eh chow lagi ang sinasabi niya. Haha! Medyo pumayat na siya ngayon unlike before na super obese siya.
Blogger: Super Xienah - Wala nang mas kukulit pa kay Xienah - nars sa umaga at superhero sa gabi. Ang pamosong chicksilog ng bayan. Natatawa ako sa kaulitan niya at kaprangkahan niya sa mga entries niya. Pati na rin ang itanong mo kay Xienah na portion na sinasagot talaga niya. Nung baguhan palang ako sa mundo ng blogging siya lagi ang binibisita ko, inaantay ang mga latest na pakikipagsapalaran niya. Nakakaadik ang "yellow" blog niya na sumakit na halos ang mata mo mabasa lang ang entries niya. Akala ko nga nawala na siya sa eksena iyon pala nagpalit lang ng pangalan. Muntik na nga siyang mademanda ata dahil sa sinulat niya na hindi naman niya sinasadya. Sana nga pag libre si Xienah gusto kong magkita kami at makilala pa siya nang lubusan.
Teacher: Siguro History professor ko nung high school na si Mr. Tan - ang tinaguriang Mr. Hangin din dahil madadala ka sa mga sinasabi niya na hindi mo alam kung maniniwala ka ba kung totoo o gawa-gawa lang niya. Kaya bago pa siya magsalita eh dapat nakakapit na kami sa upuan namin para hindi kami madala sa kanyang mala-ipo-ipong kayabangan sa buhay (i.e. nakamayan na daw niya lahat ng President ng Pilipinas, lahat daw ng sasakyan na may gulong nasakyan na niya at kung anu-ano pa). Pero kahit ganun iyon hanga pa rin ako sa kanya dahil ayos ang paraan ng pagtuturo niya. Kaya naman ako ang peborit niya sa klase dahil nagkakaintindihan kami. Ewan ko ba sa halos lahat ata ng Social Science na subject eh nag-eexcel ako against sa subject na related naman sa course ko. Anu kaya ibig sabihin nito - kailangan ko na tuparin ang dream job kong maging archaeologist.
ilan lamang po iyan sa mga taong nami-miss ko ngayon.. magiging open ang entry na ito kung sakaling may maisip pa akong tao na dadagdag sa listahan ko..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Nakaka-miss sila
Post a Comment