Sidetrip with Mark & Zander

Umalis ako sa haus mga 10am (sobrang init na), para magpunta sa Megamall para kitain ang mga ex-officemate (na gaymers) sa isang gaming firm (GamePal wag ka na mag-isip kung anu pa nag-iisa lang iyon), nag-text na ako sa nasa address book ko (sa cellhpone saan pa ba). Hopefully sabi ko maraming pumunta. Mga 12nn na ako nakarating sa Megamall, habang inaantay sila gala muna sa area. Matagal na rin akong hindi nakakapunta dun since sa Makati na ako work. Walang nagbago bukod lang sa Mega Atrium (parang mini extension), kung saan parang high end part ng mall. Wala naman bago nung araw na iyon Dragon Dance lang kanina sa paligid ng mall.

Naghanap ako sa CyberZone kung magkano ang SE-P1i - iyon pala eh phased out mode na ito at pinalitan na ng G900. Medyo hindi kaya sa budget kaya ewan ko kung tutuloy ko ba pagbili ko o ung luma na lang buy ko pero syempre titingnan ko muna sa Ebay.ph kung merong mura pero maayos pa rin. Gusto ko kasi pang Wi-Fi lang naman just in case pag nasa hotspot area ako. Pero yung pocket PC pinagpipilian ko rin iyon nga lang walang text messaging function siya.

Nag-text na sa akin si Zander na papunta na siya at kitain ko na lang siya sa meeting area namin (sa Powerbooks) natatawa nga ako kasi napagkamalan akong "Dexter" nung isang guy - hmm may ka-EB siguro siya at hindi niya kilala. Medyo napahiya nga lang siya nang kaunti pero dumating naman ka-meet niya.

Dumating si Zander mga 2pm (sakto sa usapan), ayun dinala niya as promise ang mga books na hinihiram ko sa kanya, lalo na ngayon nauuso ang mga theological issues na sinimulan ni dan Brown, ngayon naman Steve Berry fan na ako. Pag may pera or kung sakali e-books na lang at pag may time babasahin ko lahat ng books niya. Ayun usap-usap lang sa mga updates sa buhay-buhay. Masaya ako at nagkita ulit kami ni Zander, halos 2 taon na rin akong walang balita sa kanya since maghiwalay kami sa gaming firm. Ikot-ikot lang sa mall kasi matagal tagal na rin siyang hindi napupunta dun. Nag-text ako kay Mark at Rolly. Si Mark papunta na daw, si Rolly (walang magbabantay ng anak), si Eric (try daw niya humabol), si Anthony (nasa probinsya at hindi makakapunta) etc. Tumaba si Zander (akala niya ako lang ang masasabihan niya) pero ok pa naman unlike sa akin na bloated na talaga. Walang tigil nga kantyaw na sa akin halimaw talaga iyon.

Pagdating ni Mark (mga 3.30pm na ata iyon) punta na kami sa Triple V (pag sahod eh dun kami kumakain para mag-meryenda - since merienda all you can dun), brings back the memories nga eh. Bigla naming naalala ang mga kalokohan at tawanan namin habang kumakain at nagpapakabusog (Eric Smith thing, Aries tanga ka ba portion). Picture nang kaunti, kaunting chit-chat sa buhay. Mga naging relationship, mga work etc. Sayang nga lang at hindi kami kumpleto pero sana next time alam mo na para mas masaya. After kumain gala lang sa mall again, then napagusapan na pumunta sa building kung saan tenant ang GamePal, medyo gabi na, kainis kasi yung camera na dala ko, poor night vision talaga (next time Sony Cybershot na kasi). Pero Ok lang andun tambay nang kaunti, sinilip kung may pagbabago. Pinagtawanan si Eric Smith - iniisip lang kung paano siya mag-Tagalog, ang boom-tarat thing at iba pang kalokohan namin. Halos hindi na ako makahinga kakatawa talaga. Natutuwa ako kasi matagal-tagal na rin ako hindi nakakatawa nang ganito. Sila lang pala ang kailangan ko. Ang medicine.

Then akala ko uuwi na kami, pero nagyaya sila na magpunta sa Trinoma si Mark since hindi pa nakakapunta si Zander (maski ako kahit malapit lang hindi ako nagagawi dun), sumakay ng MRT (the usual sikip thing andun pa rin) then nagpunta dun, and again na- StarBucks, hindi ako nagpupunta sa ganitong mga pa-sosyal na lugar pero gusto nila eh kaya sunod nalang ako. Nag coffee jelly lang ako, usap again after gumala sa may labas ng mall. Nakakainggit si Mark, yung mga gadgets na inaasam namin ni Zander meron siya lalo na ang Pocket PC (ahuhu!), ang swerte talaga ni Mark sa buhay sabi namin, lahat halos ng gustuhin niya eh nakukuha niya agad. Buy and Sell thing na lang ginagawa niya.

Bago umuwi eh napagusapan namin na ulitin ito and sana this time marami na kami, hindi iyong iilan lang ang makakapunta. Nung pauwi na kami pareho (nag MRT sila pabalik sa South, then ako sakay ng jeep sa SM North), nag-text ako sa kanila na mas ok mag overnight nalang kina Mark sa katapusan ng February either Friday or Saturday. Walang sagot si Mark pero baka sabihin na rin ni Zander dahil pabor naman sa lahat eh. At dyan nagtatapos ang sidetrip nina Jinji, Zander at Mark. Bow!

0 Reaction(s) :: Sidetrip with Mark & Zander