Malamig ang Gabi
Hindi ko alam pero ang saya ng pakiramdam ko habang bumibiyahe ako pauwi sa amin. Parang napawi ng klima ang lahat ng pagod at stress na naramdaman ko sa office. Ilang araw na lang katapusan na ng buwan. Ironic ang February 27 para sa akin - birthday ko nga, last day ko naman sa team ko na halos isang taon rin kaming nagsama tapos half-day pa ako nung araw na iyon. Ahehe! Ewan ko marami akong mami-miss sa pang-umaga. Habang binabagtas ng jeepney ang daan pauwi - bumabalik sa akin ang alaala nung mga panahong bago pa lang kami sa company. Mga tawanan, pikunan, mga bagong challenge sa work, ang team building etc. Anu kaya ang eksena sa Friday, -panigurado hindi maiiwasang may iiyak sa mga iyan. Mawawala na kasi ang gwapong joker sa team. (nag-angat pa ng bangko!) Sana palaging ganito ang panahon. Tahimik at malamig. Oras na para batiin ang bagong hamon sa paglipat ng buwan.
by
Jinjiruks
February 24, 2009
11:17 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ganyan yata talaga ang pakiramdam kapag umuuwi sa bahay mo talaga. Nalalayo ka sa mga nakataling commitments sa lungsod.
Aalis ka na sa work mo? O malilipat ka lang ng shift?
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Dear Hiraya
February 24, 2009 at 11:40 PMnew shift and function po. ^^; kakapagod na nga minsan trabaho. kailangan na mag-unwind.
Jinjiruks
February 25, 2009 at 10:58 AMNuu! Ayaw ko ng ganitong time ng panahon. Ang DAMING PINAPAGAWA NANG SABAY-SABAY.
Huhus.
Anonymous
February 25, 2009 at 11:24 PMhehe. ok lang. ang masama lang pag naubos ang coping resources mo.
Jinjiruks
February 26, 2009 at 10:22 AMma miss mo ung araw na araw na hot seat ka sa mga joking session nla hehehe...
God Bless sa atin sa 14th Flr.
grazzielle
February 26, 2009 at 4:52 PMwhat's new grazie. nde pa rin magaling mga iyon sa ADHS.
Jinjiruks
February 26, 2009 at 5:17 PM