Me mga bagay na gusto ko sabihin sa iba pero hindi ko magawa dahil batid ko ang magiging consequence nito. Ang hirap-hirap ng pakiramdam ng walang nasasabihan ng iyong mga problema, hinaing at mga takot sa buhay. Naiipon lang siya dito, hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya makakayanang ikimkim. Natatakot ako baka dumating na lang ang araw na bigla na lang itong sumabog at hindi ko na alam kung ano ang pwede kong gawin sa sarili ko.
Bakit ba ganito ang mundo? Masyadong malupit. Mabangis. Sa isang iglap hindi mo namamalayan bigla ka nalang nitong lulumunin sa kawalan. Hanggang sa makita mo ang sarili mong nakalugmok sa putikan at wala man lang magbibigay ng kamay niya para ika'y tulungan. Napapadalas ang pag-iisip ko na sana nawala na lang ako. Ayoko naman saktan ang sarili ko. Pero handa naman ako sa kung anung mangyari sa akin kahit mamatay pa ako. Tutal pakiramdam ko wala namang nagmamahal sa akin. Hindi ko maramdaman ang presensya nila.
Parang akong kandilang unti-unting nauupos sa paglipas ng panahon.
Inisiip ko lagi paano kaya kung namatay ako, may dadalaw ba sa aking lamay. Iiyakan ba nila ako. Gaano kadami o kaunti ang pupunta. Hay ewan ko. Bahala na siguro. Naiiyak na lang ako bigla sa jeepney sa tuwing may naaalala akong bagay na nakakakapag bigay ng sobrang kalungkutan at pangungulila. Ironic nga eh, kung saan ang pinakagusto kong sandali ng buhay na mapag-isa dun naman ang point na napakalungkot ko naman. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko minsan. Kung anu ba talaga ang gusto ko gawin sa buhay. Kung anung landas ang tatahakin ko. Kung anu ba ang plano ko mangyari sa buhay ko. Kung sino sino ang makakapagbigay sa akin ng tunay na kaligayahan.
Hanggang kailan ako mag-aantay para sa taong para sa akin. Sabi nila maghintay lang ako, pero hanggang kailan. Hindi naman sa nagmamadali pero ilang taon na akong naghihintay. Anu pa ang kailangan kong gawin para mahanap siya. Napapagod na ako minsan na umabot sa puntong gusto ko nang bumigay na lang at bahala na at tanggapin na ganito na lang ang aking kapalaran. Ang mabuhay na mag-isa hanggang sa tumanda at mamatay. Nakakalungkot pero hinahanda ko na ang sarili ko sa ganitong bagay. Siguro pag nangyari iyon mas gusto kong magpakalayo-layo na lang sa lugar na hindi ako kilala. O kaya pumunta na lang sa Golden Acres para alagaan ng ibang tao.
Pasensya na kung ganito lagi ang nasa isipan ko ngayon. Hindi pa naman ako depressed. It's just nalilito lang ako at nangangapa kung anu naba ang lagay ko ngayon, kung saan ako patungo. Puro na lang negative naririnig nyo sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito. Masisira na ang ulo ko kakaisip sa daming ng mga problema na dumadaan sa aking isipan. Bakit kailangang mangyari sa akin ito. Sobra ko na silang iniisip na nakakalimutan ko na ang sarili ko. Hindi mo naman maiiwasan na hindi sila isipin dahil parte na sila ng buhay mo.
Siguro kailangan ko lang ng makakasama sa buhay ngayon. Taong handang makinig sa akin. Handang intindihin nilalaman ng aking puso. Yung kayang paamuhin ako. Yung taong ma-appreciate lahat ng ginagawa ko sa kanya. Yung handa akong ipaglaban at mahalin nang walang kapalit. Argh! Hindi naman nag-eexist ang ganung tao. Pero heto ako naghahanap na naman kahit hindi makita kung may pag-asa pa ba talaga at may magandang bukas ba na nag-aantay. Please dumating ka na buhay ko. At iligtas mo ako sa pagkakalugmok at pag torture sa aking puso't isipan. Sana dumating ka na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
“Your living is determined not so much by what life brings to you as by the attitude you bring to life; not so much by what happens to you as by the way your mind looks at what happens.” - Khalil Gibran
jin, it's true that life isn't fair, ergo, you just have to get even with life. ;)
Eben
February 2, 2009 at 11:29 AMHindi mo kailangang maging kalahati ng isang pares para maging maligaya Jin.
Eto lang yan... ika dun sa The Secret na libro, habang sinasabi mo sa sarili mo na walang nagmamahal sayo... lalong lumalayo yung mga dapat na taong magbibigay niyan sa'yo. Para kasing sinasabi mo na di ka dapat mahalin.
Siguro kasi lagi na lang kapintasan nakikita mo sa sarili mo, kaya ka ganyan. Find something you love about yourself. Wag ka masyadong maging negative. Lalong nagrerepel ng tao yan.
Lam mo, honestly lately parang iniiwasan ko tong blog mo kasi parang madalas puros negative nababasa ko.
LIGHTEN UP!!! Tingnan mo, pag gumising ka isang umaga ng nakangiti, buong araw kang magiging masaya.
Parang isang buong post na tong comment ko. Pero seriously, chief if you need help... nasa profile ko yung ym ko... ichat mo ko minsan.
-Gillboard
Anonymous
February 2, 2009 at 11:49 AM@eben
hehe. kaya inuubos ko na itong mga negative sa mga blog post para wala nang matira sa akin
@gill
maybe i should change the blog title to talambuhay negatibong emotero. haha. hayaan mo ngayon lang iyan. it's just kelangan ko lang ng catalyst for the shift
Jinjiruks
February 2, 2009 at 12:51 PMlam mo pre,
di ka nag-iisa, ok? marami jang nilalang na nabubuhay ng single at searching. kung pwede nga lang i-google ang ideal partner diba, edi nahanap na natin lahat yan.
ngaun, malungkot talaga yan.lalo na kapag may mahal ka pero it's not meant to be. so what's next?
you won't find the girl kung magkukulong ka lang jan. lam mo tama yan e, mag-intay ka lang pero kung wala namang nangyayari baka kelangan mo nang baguhin ung style mo. go out! o baka naman may mahal ka , hindi mo naman pinapaalam na mahal mo cia. be more expressive. kung hindi ka naman ganun, cge lang...isang araw sasabog din yan at masasabi lahat sa kanya.(kung lalaki lang ako, niligawan ko na cia!)
as of now, enjoy single life, get involved, be in a crowd,go out, be patient, bata ka pa naman, wala ka pa namang tungkod kaya it's not too late.
tsaka, one thing i learned, dapat pala ma-appreciate mo muna sarili mo bago ka nila ma-appreciate. paggising mo sa umaga at tumingin ka sa salamin, tell something positive about urself. tsaka always wear a smile. okies?
Iriz
February 2, 2009 at 8:44 PM