-Medyo disorganize lang ako nitong nagdaang mga araw. The usual problema na patuloy na dumadating sa aking buhay. Parang PC na nauubusan ng virtual memory. Mental block palagi, tulala at hindi makausap nang matino. Maski ang performance ko sa office - dwindling and alarming na. Ewan ko bakit kasi kailangan pang isipin ang iba palagi na nakakalimutan ko na sarili ko.
-In a couple of days or maybe next month, magbabago na nang tuluyan ang akin social life, welcome to the "night-shift" life. Yes, I volunteered for the new function sa aming department. Matagal kong pinagisipan ito at tinimbang ang mga pros and cons sa paglilipat ng shift. Kailangan ko lang sigurong mag bagong buhay at makasagap ng sariwang hangin sa office. Masyadong toxic na kasi sa workarea. Alam mo na kanya-kanyang faction/groups na lang. Puro backbiting at plastikan lang. May nalalaman pang team building pero wala namang nagbi-build para masabi lang na meron. Kung magsasalita ka naman ikaw pa ang mapapasama. Hindi mo na nga alam kung ano ang ikikilos mo sa team na ito. Kaya siguro it's a good thing and a reliever na rin na kahit paano bagong mukha, bagong pod, bagong growth and development and hopefully magkaroon ng direction ang aking career. Planning to look for an apartment, hindi lang ma push through kasi wala pang pera at time. Nakakapagod na kasi ang 3hrs travel time na imbes magpapahinga ka na eh nasa biyahe ka pa.
-Sa haus eto, panibagong sakit ng ulo na naman pero Ok na ito. Planning to mortgage another house pero malapit lang sa current namin. Last week tiningnan ang area ok naman siya. Baka this week na kami papareserve para hindi na makuha ng iba. Di hamak na mas maganda dun kesa dito sa tinitirahan namin, kaunting ulan lang eh baha na sa harapan namin (malas lang namin kasi nasa mababang area kami), ayoko na maranasan na pinapasukan pa kami ng tubig na parang Navotas na. Basta ang bigat ng pakiramdam ko sa house, pakiramdam ko puro negative na lang nasasagap kong energy pag umuuwi ako. Hehe! Hindi ko nga alam kung kaya ko ba bayaran monthly ito sa dami ng gastos, baka ma-ospital na ako.
-Yay! May lanline na si Zander - sa lahat kasi ng mga gamers (sa GamePal) siya lang ang nakakasundo ko at parang magka-sync kami sa mga topic na gusto namin. Gusto ko ang biruan at usapan time namin. Wala lang halos kasi nagkakasundo kami sa mga pinaguusapan namin at masaya kasama ito lalo na sa mga sidetrip. Pareho naming gusto anime, books and video gaming. Nagpapaunahan kami sa mga recent updates sa area na iyon. Kaso nga lang nasa Cavite siya at Rizal ako kaya buti na lang at nakabitan na sila ng landline.
-Isa sa mga closest friend ko sa office eh si Rain - actually wala talaga kaming connection pero nung nakikita ko na parang OP siya lagi dahil puro babae mga kasabay niya sa group nila eh ako na ang nag approach para kausapin siya at makipag kaibigan. From that on, sabay na kami umuuwi from work (although mas malapit siya sa sana sa reverse way na usual niyang dinadaanan), kaya ngayon kahit papaano may nalalabasan na ako ng mga kinikimkim ko sa sarili at kakulitan kesa dati na mag-isang umuuwi at laging Biyernes santo ang itsura. Hindi nawawala ang kwek-kwek thing. I'm happy na nagkaroon na siya ng tiwala sa akin at nagsasabi na rin siya ng mga bagay na alam mo na. Hirap sabihin pero kailangang ilabas.
-Lovelife? anu iyon? Hindi ko alam anu pakiramdam o itsura nun. Haha. Wala lang bokya pa rin and ewan ko anu nba mangyayari sa akin sa parte na iyon. Ako na ang ang pinakamalas pagdating diyan. Wala lang. Siguro i'm not that attractive physically and super panget ng personality ko kaya iwas sila sa akin. hehe! Hindi naman ako nag self-pity masyado pero ganun talaga eh. Ewan ko anung kailangan kong gawin para mahalin nila ako. Pagod na pagod na ako at gusto ko na magpahinga sa bagay na yan. Kung darating o hindi, wala na akong pakialam. I'll just go with the flow na lang kung san ako dadalhin ng tadhana. Me mga bagay na nagbabalik pero hindi ko alam papano yayakapin. Magpapakatanga ba ako ulit o kakalimutan ang lahat at magsisiumula nang panibago.
-Sa MRT tuwing bumababa ako sa Quezon Avenue station, hindi ko maiwasang malungkot at maawa sa mga nakikita ko habang bumababa ng hagdan. Andun ang mga batang gusgusin na nakahiga sa malamig na sahig. Natutulog at minsan nilalangaw. Batang may hydrocephalus na karga ng kanyang ina. At si lola na nakikita ko lagi araw-araw na nakaupo sa gilid ng hagdan na dapat sana eh nagpapahinga na lang at ini-enjoy ang mga nalalabing panahon niya sa mundo. Gusto ko man silang tulungan pero sapat lang ang pera ko sa gastos sa sarili ko. Bakit kailangang humantong sa ganito. Bakit maraming naghihirap. Bakit kailangan sapitin nila ang ganito. May pag-asa pa bang magbago ang kapalaran.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
naku, baka ke zander o ke rain ka madevelop nyan...
hehehe.
hindi, malay mo darating din yan. ;)
Anonymous
February 7, 2009 at 5:09 PM@deejay
wag ganun. nde magandang biro iyon. i dont want to sacrifice that for this. you know what i mean
Jinjiruks
February 9, 2009 at 9:28 AMso solitary... so serene.
musta?
Yas Jayson
February 9, 2009 at 9:55 AM