Himala at nakakapagsulat ako ngayon para malagay sa aking blog na ilang araw nang walang update. Sobrang occupied sa work at naninibago palang sa mga bagong kasama sa floor na ito. Pasasaan ba't ilang buwan pa eh makikisali na rin kami sa mga kalokohan ng mga tao dito.
Samantala naman sa iniwanan kong function patuloy pa rin ang paglipat ng iba kong mga kasama sa bagong function na lumalabas. Talagang walang permanente sa trabaho, hindi pwedeng andito ka na lang habambuhay. Kelangan lumipat para magkaroon ng growth and development. Pero ilang araw o linggo palang ang nakakalipas nakaka-miss pa rin sila. Yung mga tawanan at mga tuksuhan. Hindi ka talaga aantukin sa kanila, hindi mo nga nararamdaman ang paglipas ng oras pag kasama sila. Dito kasi medyo iba ang environment. Siguro maaga pang magsalita at kinikilala ko pa rin ang trip nila. Pero nakakaantok ang lugar dito. Hindi sa tahimik sila dahil siguro masyadong busy ang lahat sa work kaya maski tawanan wala akong naririnig.
Hindi ko na rin nakikita mga ka-berks ko sa amin. Balak ko sana within this month eh magkita-kita kaming magkakabarkada nung Elementary since si Melvin ung bunso sa grupo eh malapit lang sa amin at madali nang kausapin ang iba, kelangan lang magtugma-tugma ang free day namin para magkita. Nakalungkot nga lang dahil nawala ang kaisa-isang group pic namin nung Grade 6 palang kami. Gagawaan ko sana ng Before and After theme. Kumusta na kaya sila. Ano na kaya ang balita sa kanila. It's been more than a decade nang nag-graduate kami sa Mababang Paaralan ng San Jose sa aming pook. Maraming masasayang alaala ang biglang nanariwa sa aking isipan. Ang mahabang oras ng paglalaro tuwing recess or may meeting ang aming mga guro. Ang taguan, habulan, sipa, siyato, tumbang preso, long jump at iba pang maisip naming laro. Kung pwede lang ibalik at sariwain ang mga pagkakataon na iyon.
Pasensya kung ito ang mga bagay-bagay na naiisip ko ngayon. Nagiging nostalgic na naman ang inyong lingkod. Pag sinusundan niyo ang mga entries na ito way back years ago. Makikita niyong parang umuulit lang ang laman ng entry na ito. Sana lang hindi ako tamarin dito sa pag-uupdate ng aking blog at mawalan ako ng motivation. Hanggang sa muli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sa totoo lang, habang binabasa ko to... parang mas gusto ko malaman yung tungkol sa date mo...
chismoso moda again... hahaha
gillboard
March 19, 2009 at 5:40 AMVery nice story. Balik tanaw.
Bradpetehoops
March 19, 2009 at 1:38 PMMababang Paaralan ata tol heheh. Oo nga asan ang entry nung date?
Enhenyero
March 19, 2009 at 4:09 PMmga tsismoso talaga kayo. sabi na eh, iyon ang itatanong niyo.
Jinjiruks
March 19, 2009 at 10:27 PM