Pagkatapos ng Ulan

Ang sarap ng pakiramdam habang naglalakad ako palabas sa subdivision namin. Kakatapos lang kasi ng pagbuhos ng ulan, mga ilang minuto na. Kaya't medyo nagsisimula nang matuyo ang kalsada. Ang sarap ng hangin na dumampi sa aking katawan. Parang "Healing Wind" ni Aeris sa Final Fantasy VII. Hehe! Sabi ko nga sa sarili ko, sana ganito na lang palagi ang panahon pag umaalis ako sa amin. Luntian ang paligid, walang alikabok o dumi sa kalsada. Parang napawi na ang nakaraan at pag-usbong ng bagong halaman na bumabati sa iyo. Kaya naman positibong enerhiya ang bumati sa akin hanggang sa pagpasok ko sa trabaho.

5 Reaction(s) :: Pagkatapos ng Ulan

  1. ay naku, pahamak yang ulan na yan... na late ako sa trabaho dahil dyan.. binaha subdivision namin, kaya di ako nakalabas.. grrrrr!!!!

    buti ka pa naenjoy mo...

  2. i fee,l gloomy when its raining!

  3. Simba ka. Hindi lang Healing Wind ang andun. Great Gospel pa kamo.

    Umaambon nung pauwi ako. Pagkalabas ko ng Gateway, napa-putang*na ako. Haha.

  4. d' rain.. bow.. lolz... ano bah dapat ihirit koh?... 'la nagugutomz akoh ngaun... nde na akoh makapag-isip... wehe... padaan lang parekoy... ingatz.. Godbless! -di

  5. @gill
    ay naku, pag lumakas lakas pa ang ulan pareho lang tayong binabaha ang subd

    @cj
    ako naman. i feel nostalgic.

    @zwei
    hindi ka kasi nagdadala ng payong. at talagang great gospel mamaya mag fury brand ako at gawaan kita ng limit break

    @dianz
    ok lang yan. tamang trip lang ba sa pagdaan.